Sailing Ship
| Avainsanat | bagyo bagyuhin barko dagat hangin karagatan layag mabagbag magulo mga kulot |
|---|---|
| Secondary Keywords | bangka kaligtasan kasaysayan makasaysayan matangkad paglalakbay paglalayag panganib |
| Tertiary Keywords | pagkawasak ng bapor |
| Mga Banal na Kasulatan | Gawa 20:13 Gawa 21:2-3 Gawa 27:2 Gawa 28:11 Isaiah 33:21 Jonas 1:3-4 Proverbs 30:19 |
Acts 2013 Ngunit kami ay nauna sa barko at naglayag patungong Asos at doon namin binabalak na pasakayin si Pablo sapagkat gayon ang kaniyang iniutos dahil binabalak niyang maglakad. Acts 212 At nang natagpuan namin ang isang barko na naglalayag patungong Fenicia, kami ay sumakay at naglayag.3 Ngunit nang natanaw namin ang Cyprus at nilagpasan ito sa bandang kaliwa, kami ay patuloy na naglayag patungong Siria at dumaong sa Tiro sapagkat doon nagbaba ng lulan ang barko. Acts 272 Ngunit nang kami ay sumakay sa barko ng Adrameto na malapit nang maglayag sa mga baybayin ng Asya, nakasama namin sa paglalayag si Aristarco na isang taga-Macedonia na mula sa Tesalonica. Acts 2811 Pagkatapos ng tatlong buwan ay naglayag kami sa isang barkong nagmula sa Alexandria na nagpalipas ng taglamig sa pulo. Ang sagisag nito ay ang Magkakambal na Diyos. Isaiah 3321 Kundi doon ay sasa atin ang Panginoon sa kamahalan, na dako ng mga maluwang na ilog at batis; na hindi daraanan ng mga daong na may mga gaod, o daraanan man ng magilas na sasakyang dagat. Jonah 13 Nguni't si Jonas ay bumangon upang tumakas na patungo sa Tarsis mula sa harapan ng Panginoon; at siya'y lumusong sa Joppe, at nakasumpong ng sasakyan na patungo sa Tarsis: sa gayo'y nagbayad siya ng upa niyaon, at siya'y lumulan, upang yumaong kasama nila sa Tarsis mula sa harapan ng Panginoon.4 Nguni't ang Panginoon ay nagpasapit ng malakas na hangin sa dagat, at nagkaroon ng malakas na unos sa dagat, na anopa't ang sasakyan ay halos masira. Proverbs 3019 Ang lipad ng aguila sa hangin; ang usad ng ahas sa ibabaw ng mga bato; ang lutang ng sasakyan sa gitna ng dagat; at ang lakad ng lalake na kasama ng isang dalaga. | |








