6 Sapagkat ako ngayon ay ibinubuhos katulad sa inuming handog at ang panahon ng aking pagpanaw ay malapit na.7 Ako ay nakipagbaka ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang takbuhin, iningatan kong lubos ang pananampalataya.8 Sa katapus-tapusan ay may inilalaan para sa akin na isang putong ng katuwiran, na sa Araw na iyon ay ibibigay sa akin ng Panginoon na siyang matuwid na hukom, ngunit hindi lamang sa akin kundi sa kanilang lahat na nagmamahal sa kaniyang pagpapakita.