Kirjoittaminen työssä
| Avainsanat | Daniel Isaya Juan lantad gampel mag-scroll manunulat manunulat mga aklat Mies opetuslapset pluma propeta |
|---|---|
| Secondary Keywords | antigo banal hymy hymy hymy hymy hymy hymy magsulat pagsulat Pyhä |
| Mga Banal na Kasulatan | Philemon 1 |
Philemon 11 Si Pablo, ang bilanggo ni Cristo Jesus, at si Timoteo na ating kapatid, kay Filemon na aming minamahal at aming kamanggagawa,2 at kay Apia na aming minamahal, at kay Arquipo na aming kapwa kawal at sa iglesiya na nasa iyong bahay,3 sumainyo ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.4 Nagpapasalamat ako sa aking Diyos na palagi kitang binabanggit sa aking mga panalangin,5 sapagkat nabalitaan ko ang iyong tinataglay na pag-ibig at ang pananampalataya sa Panginoong Jesus, na nasa lahat din ng banal.6 Ang panalangin ko ay upang ang pakikipag-isa ng iyong pananampalataya ay maging mabisa sa pamamagitan ng lubos na pagkakilala ng bawat mabubuting bagay na nasa inyo para kay Cristo Jesus,7 sapagkat kami ay nagkaroon ng lubos na kagalakan at lakas ng loob dahil sa iyong pag-ibig dahil ang kalooban ng mga banal ay naginhawaan sa pamamagitan mo, kapatid.8 Sa pamamagitan nito, bagaman ako ay mayroong lubos na lakas ng loob kay Cristo upang utusan kitang gawin ang nararapat,9 ako ay lalong nagsusumamo sa iyo dahil sa pag-ibig, bilang si Pablo na matanda na at ngayon ay bilanggo rin ni Jesu-Cristo.10 Ako ay sumasamo sa iyo patungkol sa aking anak na si Onesimo, na naging anak ko sa pananampalataya habang ako ay nakabilanggo,11 na dating hindi kapaki-pakinabang sa iyo ngunit ngayon ay kapaki-pakinabang sa iyo at sa akin.12 Siya ay muli kong pinabalik sa iyo, kaya siya ay tanggapin mo sa iyong sarili nang katulad sa aking kalooban.13 Ninanais ko na siya ay manatili sa akin upang siya ay makapaglingkod sa akin bilang kapalit mo habang ako ay nakabilanggo dahil sa ebanghelyo.14 Ngunit kung wala kang pahintulot, hindi ko nais gumawa ng anuman upang ang iyong kabutihan ay hindi maging sapilitan kundi kusang-loob.15 Marahil dahil dito, siya ay napahiwalay sa iyo nang ilang panahon upang siya ay mapasaiyo nang habang panahon,16 hindi na kagaya lang ng isang alipin kundi higit pa sa alipin, isang kapatid na higit kong minamahal, ngunit lalong higit sa iyo dahil sa laman at dahil sa Panginoon.17 Kaya yamang itinuturing mo ako bilang kasama, tanggapin mo siya sa iyong sarili na parang ako,18 ngunit kung siya ay nagkasala sa iyo sa anumang bagay o nagkautang, ito ay ibilang mo sa akin.19 Akong si Pablo ang sumulat nito sa pamamagitan ng sarili kong kamay, ako ang magbabayad nito upang hindi ko masabi sa iyo na kahit ang iyong buhay ay utang mo sa akin.20 Oo kapatid, ako nawa ay magkaroon ng kapakinabangan sa iyo dahil sa Panginoon. Pasiglahin mo ang aking kalooban sa Panginoon.21 Sumulat ako sa iyo dahil tiyak ko ang iyong pagsunod at alam kong gagawin mo rin ang higit pa sa aking sinabi.22 Gayundin naman, ipaghanda mo ako ng matutuluyan sapagkat ako ay umaasa na sa pamamagitan ng iyong mga panalangin ay ipagkakaloob ako sa iyo.23 Binabati ka ni Epafras, na kapwa ko bilanggo kay Cristo Jesus,24 nina Marcos, Aristarco, Demas at Lucas na aking mga kamanggagawa.25 Sumainyong espiritu ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Siya nawa. | |








