Kirjoitukset ja historia
| Avainsanat | Fred collins pagtulong |
|---|---|
| Secondary Keywords | iniwan halos patay käsikirjoituksia Kasulatan Raamattu |
| Mga Banal na Kasulatan | Matthew 1 |
Matthew 11 Ang aklat ng angkan ni Jesu-Cristo, na anak ni David, na anak ni Abraham.2 Naging anak ni Abraham si Isaac at naging anak ni Isaac si Jacob at naging anak ni Jacob si Juda at ang kaniyang mga kapatid.3 Naging anak ni Juda sina Fares at Zara kay Tamar at naging anak ni Fares si Esrom at naging anak ni Esrom si Aram.4 Naging anak ni Aram si Abinadab at naging anak ni Abinadab si Naason at naging anak ni Naason si Salmon.5 Naging anak ni Salmon si Boaz kay Rahab at naging anak ni Boaz si Obed kay Ruth at naging anak ni Obed si Jesse.6 Naging anak ni Jesse si haring David. Naging anak ni haring David si Solomon sa kaniya na asawa ni Urias.7 Naging anak ni Solomon si Rehoboam at naging anak ni Rehoboam si Abias at naging anak ni Abias si Asa.8 Naging anak ni Asa si Jehosafat at naging anak ni Jehosafat si Joram at naging anak ni Joram si Uzias.9 Naging anak ni Uzias si Jotam at naging anak ni Jotam si Acas at naging anak ni Acas si Hezekias.10 Naging anak ni Hezekias si Manases at naging anak ni Manases si Amon at naging anak ni Amon si Josias.11 Naging anak ni Josias si Jeconias at ang kaniyang mga kapatid sa panahon ng pagdalang-bihag sa Babilonia.12 At pagkatapos ng pagdalang-bihag sa Babilonia, naging anak naman ni Jeconias si Shealtiel at naging anak ni Shealtiel si Zerubabel.13 Naging anak ni Zerubabel si Abiud at naging anak ni Abiud si Eliakim at naging anak ni Eliakim si Azor.14 Naging anak ni Azor si Sadok at naging anak ni Sadok si Achim at naging anak ni Achim si Eliud.15 Naging anak ni Eliud si Eleazar at naging anak ni Eleazar si Mathan at naging anak ni Mathan si Jacob.16 At naging anak ni Jacob si Jose na asawa ni Maria na sa pamamagitan niya ay isinilang si Jesus na tinatawag na Cristo.17 Kaya ang lahat ng mga saling lahi mula kay Abraham hanggang kay David ay labing-apat na saling lahi, at mula kay David hanggang sa panahong sila ay dinalang bihag sa Babilonia ay labing-apat na saling lahi, at mula sa panahong sila ay dinalang bihag sa Babilonia hanggang kay Cristo ay labing-apat na saling lahi.18 At ganito ang naging kapanganakan ni Jesu-Cristo. Nang si Maria na kaniyang ina ay ipinagkatipan na mapangasawa ni Jose bago pa sila magsama, siya ay natagpuang nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.19 Ngunit si Jose na kaniyang asawa, bilang lalaking matuwid at hindi nagnanais na ilagay sa hayag na kahihiyan si Maria, ay nagpasyang palayain siya nang lihim.20 Ngunit habang kaniyang pinag-iisipan ang mga ito, narito, isang anghel ng Panginoon ang nagpakita sa kaniya sa isang panaginip na sinasabi, “Jose na anak ni David, huwag kang matakot na tanggapin si Maria na iyong asawa sapagkat ang kaniyang pinagdadalang-tao ay mula sa Banal na Espiritu.21 At siya ay manganganak ng isang lalaki at tatawagin mo ang kaniyang pangalan na Jesus sapagkat ililigtas niya ang kaniyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan.”22 At ang lahat ng ito ay naganap upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na sinasabi,23 “Narito, ang isang birhen ay magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki at tatawagin nila ang kaniyang pangalan na Emmanuel,” Isa 7:14 na ang kahulugan ay, “Kasama natin ang Diyos.” Isa 8:8, 1024 Pagkagising ni Jose mula sa pagkatulog, ginawa niya ang ayon sa iniutos sa kaniya ng anghel ng Panginoon at tinanggap niya ang kaniyang asawa.25 Ngunit hindi niya sinipingan ang kaniyang asawa hanggang sa maipanganak niya ang kaniyang panganay na anak na lalaki. At tinawag niya ang kaniyang pangalan na Jesus. | |








