12 “Ano sa palagay ninyo? Kapag mangyari sa isang tao na may isandaang tupa at ang isa sa mga ito ay naligaw, hindi nga ba niya iiwanan ang siyamnapu't siyam at pumunta sa kabundukan na hinanap yaong naliligaw?13 Kapag mangyaring matagpuan niya ito, katotohanang sinasabi ko sa inyo, siya ay higit na nagagalak sa tupang iyon kaysa sa siyamnapu't siyam na hindi naligaw.14 Gayundin naman, hindi kalooban ng inyong Ama na nasa langit na mapahamak ang isa sa maliliit na ito.