27 At pagkatapos ay makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating sa ulap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.
Mark 13
26 At kapag magkagayon, makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating sa mga ulap, na may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian.
Mark 14
62 At sinabi ni Jesus, “Ako nga. At makikita ninyo ang Anak ng Tao na nakaupo mula sa bahaging kanan ng Makapangyarihan at dumarating sa mga ulap ng langit.”
Matthew 24
30 At pagkatapos nito ay makikita ang tanda ng Anak ng Tao sa langit at pagkatapos ay mananaghoy ang lahat ng mga lipi ng daigdig at makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating sa mga ulap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.
Matthew 24
38 sapagkat katulad ng mga araw bago ang baha, sila ay kumakain at umiinom, sila ay nag-aasawa at ipinapakasal hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong39 at hindi nila ito nalaman hanggang sa dumating ang baha at tinangay silang lahat. Gayundin ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao.40 Sa oras na iyon ay dalawa ang nasa bukid, ang isa ay makukuha at ang isa ay maiiwan.41 Dalawang babae ang naggigiling sa gilingang-bato, ang isa ay makukuha at ang isa ay maiiwan.
Revelation 14
14 At nakita ko, at narito, ang isang puting ulap at sa ulap ay may isang nakaupo na katulad ng Anak ng TaoDan 7:13 na mayroong gintong putong sa kaniyang ulo at may isang matalas na panggapas sa kaniyang kamay.
Revelation 1
7 Narito, siya ay dumarating kasama ng mga ulap at siya ay makikita ng bawat mata at niyaong mga tumusok sa kaniya, at ang lahat ng mga lipi sa daigdig ay tatangis dahil sa kaniya. Oo! Siya nawa.