Lähetä kaksitoista
| Secondary Keywords | alagad bumalik dose Ipinapadala Jeesus Jeesus pagpapadala pahimakas pasulong Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Luke 121 Sa panahong iyon, nang ang hindi mabilang na napakaraming tao ay nagkakatipon, kung kaya sila ay nagkakatapakan na sa isa't isa, si Jesus ay nagsimulang magsabi, una sa kaniyang mga alagad, “Mag-ingat kayo sa pampaalsa ng mga Fariseo, na ito ay ang pagpapaimbabaw, 2 sapagkat walang anumang natakpan na hindi mahahayag o nakatago na hindi malalaman. 3 Sa halip, anuman ang inyong sabihin sa dilim ay maririnig sa liwanag at anuman ang inyong ibulong sa loob ng mga silid ay mahahayag sa mga bubungan. 4 “At sinasabi ko sa inyo na mga kaibigan ko, huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan at pagkatapos ng mga ito ay wala nang magagawang anumang higit pa. 5 Ngunit ipapauna kong sasabihin sa inyo kung sino ang inyong katatakutan. Katakutan ninyo siya na pagkatapos pumatay ay may kapamahalaang magtapon sa impiyerno. Oo, sinasabi ko sa inyo, katakutan ninyo siya. 6 “Hindi ba ang limang maya ay ipinagbibili sa halagang dalawang sentimo° at isa man sa kanila ay hindi pinabayaan ng Diyos? 7 Ngunit kahit ang mga buhok ng inyong ulo, ang lahat ay may bilang na. Kaya huwag kayong matakot. Kayo ay higit na mahalaga kaysa sa maraming maya. 8 “Sinasabi ko rin sa inyo, ang sinumang maghahayag sa akin sa harap ng mga tao ay ihahayag din naman ng Anak ng Tao sa harap ng mga anghel ng Diyos. 9 Ngunit siya na magkakaila sa akin sa harap ng mga tao ay ipagkakaila rin sa harap ng mga anghel ng Diyos. 10 “At ang bawat isang magsasalita laban sa Anak ng Tao, ito ay ipapatawad sa kaniya, ngunit siya na maglalapastangan laban sa Banal na Espiritu, ito ay hindi ipapatawad. 11 “At kapag kayo ay dadalhin nila sa mga sinagoga at sa harap ng mga pinuno at ng mga may kapamahalaan, huwag kayong mabalisa kung paano, o ano ang inyong isasagot, o ano ang inyong sasabihin 12 sapagkat ang Banal na Espiritu ang magtuturo sa inyo sa oras ding iyon kung ano ang kailangan ninyong sabihin.” Luke 91 Pagkatipon ni Jesus ng kaniyang labindalawang alagad, sila ay binigyan niya ng kapangyarihan at kapamahalaan sa lahat ng mga demonyo at upang magpagaling ng mga sakit. 2 At sila ay isinugo niya upang ipangaral ang paghahari ng Diyos at upang pagalingin ang mga may karamdaman. 3 Sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong magdala ng anuman sa inyong paglalakbay kahit tungkod, o supot, o tinapay, o pilak, o magkaroon ng dalawang tunika. 4 “At saan mang bahay kayo papasok, manatili kayo roon at umalis kayo mula roon. 5 Kung ang sinuman ay hindi tatanggap sa inyo, sa inyong paglabas sa lungsod na iyon ay pagpagin ninyo ang alikabok sa inyong mga paa bilang patotoo laban sa kanila.” 6 Kaya sila ay umalis at sila ay dumaan sa lahat ng mga nayon na ipinapahayag ang ebanghelyo at nagpapagaling sa lahat ng dako. Luke 957 At nangyari, habang sila ay naglalakbay sa daan ay may isang nagsabi sa kaniya, “Panginoon, susunod ako sa iyo saan ka man pumaroon.” 58 At sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ang mga sora ay may mga lungga at ang mga ibon sa himpapawid ay may mga pugad, ngunit ang Anak ng Tao ay walang mapaghihiligan ng kaniyang ulo.” 59 At sinabi ni Jesus sa iba, “Sumunod ka sa akin.” Ngunit sinabi niya, “Panginoon, pahintulutan mo muna akong umalis upang ilibing ang aking ama.” 60 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, “Hayaan mo na ilibing ng mga patay ang kanilang sariling mga patay. Subalit humayo ka at ipahayag mo ang paghahari ng Diyos.” 61 At sinabi naman ng isa, “Panginoon, susunod ako sa iyo, ngunit pahintulutan mo muna akong magpaalam sa kanila na nasa bahay ko.” 62 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, “Walang sinumang nakahawak sa araro at tumitingin sa mga bagay sa likuran ay karapat-dapat sa paghahari ng Diyos.” Mark 67 Tinawag niya ang labindalawang alagad at sinimulan niya silang isugo nang dala-dalawa at binigyan sila ng kapangyarihan laban sa mga karumal-dumal na espiritu. 8 At sila ay pinagbilinan niya na huwag magdala ng anuman sa paglalakbay maliban lamang sa tungkod, walang supot, walang tinapay, walang salapi sa pamigkis 9 maliban sa nakasuot nilang mga pangyapak at huwag magsuot ng dalawang tunika. 10 At sinabi niya sa kanila, “Kapag pumasok kayo saan mang bahay, manatili kayo roon hanggang sa kayo ay makaalis. 11 Ang sinumang hindi tatanggap o makikinig sa inyo, sa pag-alis ninyo roon, ipagpag ninyo ang alikabok ng inyong mga talampakan bilang patotoo sa kanila. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, lalo pang madaling tiisin ang parusa sa Sodoma at Gomora kaysa sa lungsod na iyon sa araw ng paghuhukom.” 12 At sa kanilang paghayo, ipinangaral nila sa mga tao na dapat silang magsisi, 13 at sila ay nagpapalayas ng maraming demonyo at pinapahiran nila ng langis ang maraming maysakit at sila ay pinapagaling. Matthew 105 Ang labindalawang ito ay isinugo ni Jesus at inutusan niya na sinasabi, “Huwag kayong pupunta sa daan ng mga Gentil at huwag kayong papasok sa alinmang lungsod ng mga taga-Samaria. Matthew 819 At may isang eskribang lumapit sa kaniya na nagsabi, “Guro, susunod ako sa iyo kahit saan ka man pupunta.” 20 At sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ang mga sora ay may mga lungga at ang mga ibon sa himpapawid ay may mga pugad, ngunit ang Anak ng Tao ay walang mapaghihiligan ng kaniyang ulo.” 21 At isa sa kaniyang mga alagad ang nagsabi sa kaniya, “Panginoon, pahintulutan mo muna ako na umuwi at ilibing ang aking ama.” 22 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, “Sumunod ka sa akin at hayaan mo ang mga patay na ilibing ang kanilang mga patay.” |