Tagalog
  •  Afrikaans
  •  Bahasa Indonesia
  •  Bahasa Melayu
  •  Česky
  •  Deutsch
  •  English
  •  Español
  •  Français
  •  Italiano
  •  Magyar
  •  Nederlands
  •  Polski
  •  Português
  •  Română
  •  Shqip
  •  Tiếng Việt
  •  Türkçe
  •  Ελληνικά
  •  Български
  •  русский
  •  Српски / Srpski
  •  Українська
  •  עברית
  •  العربية
  •  فارسی
  •  हिन्दी
  •  ไทย
  •  中文
  •  日本語
  •  粵語
  •  한국어
Valuutta PHP
  • BRL - Real ng Barzil
  • EUR - Euro
  • USD - Dolyar ng US
  • CAD - Dolyar ng Canada
  • MXN - Piso ng Mexico
  • RUB - Russian Ruble
  • RON - Romanian Leu
  • PLN - Polish Zloty
  • SGD - Dolyar ng Singapore
  • CHF - Swiss Franc
  • TRY - Turkish Lira
  • UAH - Ukrainian Hryvnia
  • GBP - British Pound
  • JPY - Japanese Yen
  • AUD - Dolyar ng Australya
  • BGN - Bulgarian Lev
  • CZK - Czech Republic Koruna
  • DKK - Danish Krone
  • HKD - Dolyar ng Hong Kong
  • IDR - Indonesian Rupiah
  • HUF - Hungarian Forint
  • KRW - Won ng Timog Korea
  • MYR - Malaysian Ringgit
  • VND - Vietnamese Dong
  • CNY - Chinese Yuan
  • ARS - Piso ng Argentina
  • ZAR - Rand ng Timog Africa
  • ALL - Albanian Lek
  • RSD - Serbian Dinar
  • ILS - Israeli New Sheqel
  • EGP - Egyptian Pound
  • SAR - Saudi Riyal
  • AED - United Arab Emirates Dirham
  • IRR - Iranian Rial
  • AFN - Afghan Afghani
  • IQD - Iraqi Dinar
  • INR - Indian Rupee
  • PKR - Pakistani Rupee
  • THB - Thai Baht
GoodSalt™
Etsi
Tili
Ostoskori
  • Tili
  • Valolaatikko
  • Sign In
  • Rekisteröidy
GoodSalt™
Ang pinuno ng mundo sa relihiyosong imahe.
Valuutta PHP
  • BRL - Real ng Barzil
  • EUR - Euro
  • USD - Dolyar ng US
  • CAD - Dolyar ng Canada
  • MXN - Piso ng Mexico
  • RUB - Russian Ruble
  • RON - Romanian Leu
  • PLN - Polish Zloty
  • SGD - Dolyar ng Singapore
  • CHF - Swiss Franc
  • TRY - Turkish Lira
  • UAH - Ukrainian Hryvnia
  • GBP - British Pound
  • JPY - Japanese Yen
  • AUD - Dolyar ng Australya
  • BGN - Bulgarian Lev
  • CZK - Czech Republic Koruna
  • DKK - Danish Krone
  • HKD - Dolyar ng Hong Kong
  • IDR - Indonesian Rupiah
  • HUF - Hungarian Forint
  • KRW - Won ng Timog Korea
  • MYR - Malaysian Ringgit
  • VND - Vietnamese Dong
  • CNY - Chinese Yuan
  • ARS - Piso ng Argentina
  • ZAR - Rand ng Timog Africa
  • ALL - Albanian Lek
  • RSD - Serbian Dinar
  • ILS - Israeli New Sheqel
  • EGP - Egyptian Pound
  • SAR - Saudi Riyal
  • AED - United Arab Emirates Dirham
  • IRR - Iranian Rial
  • AFN - Afghan Afghani
  • IQD - Iraqi Dinar
  • INR - Indian Rupee
  • PKR - Pakistani Rupee
  • THB - Thai Baht
  Tagalog
  •  Afrikaans
  •  Bahasa Indonesia
  •  Bahasa Melayu
  •  Česky
  •  Deutsch
  •  English
  •  Español
  •  Français
  •  Italiano
  •  Magyar
  •  Nederlands
  •  Polski
  •  Português
  •  Română
  •  Shqip
  •  Tiếng Việt
  •  Türkçe
  •  Ελληνικά
  •  Български
  •  русский
  •  Српски / Srpski
  •  Українська
  •  עברית
  •  العربية
  •  فارسی
  •  हिन्दी
  •  ไทย
  •  中文
  •  日本語
  •  粵語
  •  한국어
Etsi
Advanced Options ▼
Skip to the end of the images gallery
Sermon vuorella
Skip to the beginning of the images gallery

Sermon vuorella

Tuote
ID ID
prcas1811
Taiteilija
Providence Collection
Kuvan tiedot
More Information
Secondary Keywords Griffith Foxley   Jeesus Jeesus   nangaral   pahimakas   pangangalunya   pangkalahatan   Pettymyksiä   sakyan   Sermon   taon   Uusi uusi uusi  
Mga Banal na Kasulatan
Juan 6:22-71   Lucas 6:17-49   Matthew 11:20-30   Matthew 5:1-48   Matthew 6:1-34   Matthew 7:1-29  

John 6

22 Kinabukasan, nakita ng mga taong nakatayo sa kabilang ibayo ng dagat na walang ibang bangka roon maliban sa isa na sinakyan ng kaniyang mga alagad. Alam nilang hindi sumama si Jesus sa kaniyang mga alagad sa bangka, sa halip ay ang kaniyang mga alagad lamang ang umalis. 23 Gayunpaman, may ibang mga bangkang dumating mula sa Tiberias, malapit sa lugar kung saan sila kumain ng tinapay pagkatapos magpasalamat ang Panginoon. 24 Kaya nang nakita ng mga tao na si Jesus ay wala roon, ni ang kaniyang mga alagad, sila ay sumakay rin sa mga bangka at pumunta sa Capernaum upang hanapin si Jesus. 25 Nang natagpuan nila siya sa kabilang ibayo ng dagat, sinabi nila sa kaniya, “Rabbi, kailan ka pumunta rito?” 26 Sumagot si Jesus sa kanila at sinabi, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, hinahanap ninyo ako hindi dahil nakita ninyo ang mga tanda kundi dahil kayo ay kumain mula sa mga tinapay at nabusog. 27 Huwag kayong magpagal para sa pagkaing nasisira kundi para sa pagkaing nananatili sa buhay na walang hanggan na ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao sapagkat siya ang tinatakan ng Diyos Ama.” 28 Kaya sinabi nila sa kaniya, “Ano ang dapat naming gawin upang aming magawa ang mga gawa ng Diyos?” 29 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Ito ang gawa ng Diyos, na dapat kayong sumampalataya sa kaniya na isinugo ng Ama.” 30 Kaya sinabi nila sa kaniya, “Ano ngayon ang tanda na iyong gagawin na dapat naming makita at dapat naming sampalatayanan sa iyo? Ano ang gagawin mo? 31 Ang mga ninuno natin ay kumain ng manna sa ilang katulad ng nasusulat, ‘Sila ay binigyan niya ng tinapay na mula sa langit upang kainin.’ ” Awi 78:24 32 Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay na mula sa langit kundi ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay mula sa langit. 33 Sapagkat ang tinapay ng Diyos ay siya na bumaba mula sa langit at nagbibigay ng buhay sa sangkatauhan.” 34 Sinabi nila sa kaniya, “Panginoon, bigyan mo kami palagi ng tinapay na ito.” 35 At sinabi ni Jesus sa kanila, “Ako ang tinapay ng buhay. Siya na lumalapit sa akin ay hinding-hindi na magugutom at siya na sumasampalataya sa akin ay hinding-hindi na mauuhaw kailanman. 36 Subalit sinabi ko sa inyo na ako ay nakita na rin ninyo ngunit hindi kayo sumasampalataya. 37 Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay lalapit sa akin at siya na lumalapit sa akin ay hinding-hindi ko itataboy. 38 Sapagkat ako ay bumaba mula sa langit hindi upang magawa ang sarili kong kalooban kundi ang kalooban niya na nagsugo sa akin. 39 Ito ang kalooban ng Ama na nagsugo sa akin na ang lahat ng ibinigay niya sa akin, walang sinuman ang aking maiwala kundi ibabangon ko siya sa huling araw. 40 Ito ang kalooban niya na nagsugo sa akin na ang lahat na nagmamasid nang mabuti sa Anak at sumasampalataya sa kaniya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan at ibabangon ko siya sa huling araw.” 41 Kaya ang mga Judio ay bumubulung-bulong patungkol sa kaniya sapagkat sinabi niya, “Ako ang tinapay na bumaba mula sa langit.” 42 Sinabi nila, “Hindi ba ito si Jesus, ang anak ni Jose na ang kaniyang ama at ina ay kilala natin? Kaya papaanong sinasabi ng isang ito, ‘Ako ay bumaba mula sa langit’?” 43 Sumagot nga si Jesus at sinabi sa kanila, “Huwag kayong magbulung-bulungan sa isa't isa. 44 Walang sinumang makakalapit sa akin maliban na ilapit siya ng Ama na nagsugo sa akin. Siya ay ibabangon ko sa huling araw. 45 Nakasulat sa aklat ng mga propeta, ‘At silang lahat ay tuturuan ng Diyos.’ Isa 54:13 Kaya nga ang bawat isa na nakarinig sa Ama at natuto ay lalapit sa akin. 46 Hindi dahil nakita ng sinuman ang Ama maliban sa kaniya na mula sa Diyos, siya ang nakakita sa Ama. 47 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, siya na sumasampalataya sa akin ay may buhay na walang hanggan. 48 Ako ang tinapay ng buhay. 49 Ang inyong mga ninuno ay kumain ng manna sa ilang at sila ay namatay na. 50 Ito ang tinapay na bumaba mula sa langit upang ang sinumang makakain nito ay hindi mamamatay. 51 Ako ang tinapay na buhay na bumaba mula sa langit. Kung sinuman ang makakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman, at ang tinapay na ibibigay ko ay ang aking laman, na ibibigay ko alang-alang sa buhay ng sangkatauhan.” 52 Kaya nagtalu-talo ang mga Judio sa isa't isa na nagsasabi, “Papaano niya ibibigay sa atin ang kaniyang laman upang kainin?” 53 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, maliban na makakain kayo ng laman ng Anak ng Tao at makainom ng kaniyang dugo, wala kayong buhay sa inyong mga sarili. 54 Siya na kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay mayroong buhay na walang hanggan at ibabangon ko siya sa huling araw 55 sapagkat ang aking laman ay totoong pagkain at ang aking dugo ay totoong inumin. 56 Siya na kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin at ako sa kaniya. 57 Kung paanong ako ay isinugo ng buhay na Ama at ako ay nabubuhay dahil sa Ama, sa gayunding paraan, siya na kumakain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin. 58 Ang tinapay na ito na bumaba mula sa langit ay hindi katulad ng manna na kinain ng inyong mga ninuno at namatay. Siya na kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman.” 59 Sinabi niya ang mga bagay na ito nang siya ay nagtuturo sa sinagoga sa Capernaum. 60 Kaya nang narinig nila ang mga ito, marami sa kaniyang mga alagad ang nagsabi, “Mahirap ang pananalitang ito. Sino ang makakaunawa nito?” 61 Ngunit dahil alam ni Jesus sa kaniyang sarili na nagbubulung-bulungan ang kaniyang mga alagad patungkol dito, sinabi niya sa kanila, “Nakakatisod ba ito sa inyo? 62 Ano pa kaya kung mamamasdan ninyo ang Anak ng Tao na pumapaitaas sa dati niyang kinaroroonan? 63 Ang Espiritu ang nagbibigay buhay, ang laman ay walang napapakinabangang anuman. Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay espiritu at ito ay buhay. 64 Subalit mayroong ilan sa inyo na hindi sumasampalataya.” Sapagkat alam na ni Jesus mula sa simula kung sino ang mga hindi sumasampalataya at kung sino ang magkakanulo sa kaniya. 65 At sinabi niya, “Dahil dito, sinabi ko na sa inyo na walang sinumang makakalapit sa akin maliban na ito ay naipagkaloob na sa kaniya mula sa aking Ama.” 66 Mula noon marami sa kaniyang mga alagad ang tumalikod at hindi na lumakad kasama niya. 67 Kaya sinabi ni Jesus sa labindalawa, “Hindi ba nais din ninyong umalis?” 68 Sumagot sa kaniya si Simon Pedro, “Panginoon, kanino kami sasama? Nasa iyo ang mga salita ng buhay na walang hanggan. 69 Kami ay sumampalataya at alam na namin na ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buhay.” 70 Sumagot sa kanila si Jesus, “Hindi ba labindalawa kayong pinili ko at ang isa sa inyo ay diyablo?” 71 Ang tinutukoy niya ay si Judas na taga-Keriot na anak ni Simon sapagkat siya ang magkakanulo sa kaniya. Siya ay isa sa labindalawa.

Luke 6

17 At si Jesus ay bumabang kasama nila at tumayo sa isang patag na dako. At ang napakarami sa kaniyang mga alagad at ang lubhang maraming tao na nanggaling sa buong Judea, sa Jerusalem at sa baybayin ng Tiro at Sidon, na pumunta roon upang makinig sa kaniya at upang mapagaling mula sa kanilang mga sakit 18 at ang mga ginugulo ng mga karumal-dumal na espiritu ay pinagaling. 19 At sinikap ng lahat ng napakaraming tao na siya ay mahawakan sapagkat may kapangyarihang lumalabas sa kaniya at pinapagaling ang lahat. 20 At nang tiningnan ni Jesus ang kaniyang mga alagad ay sinabi niya, “Pinagpala kayo na mga dukha sapagkat sa inyo ang paghahari ng Diyos. 21 Pinagpala kayo na mga nagugutom ngayon sapagkat kayo ay bubusugin. Pinagpala kayo na mga tumatangis ngayon sapagkat kayo ay tatawa na may galak. 22 Pinagpala kayo kapag kayo ay kinasusuklaman ng mga tao at kapag itatakwil nila kayo at aalipustain nila kayo, at ituturing nilang masama ang inyong pangalan alang-alang sa Anak ng Tao. 23 Magalak kayo sa araw na iyon at lumundag kayo sa kagalakan. Sapagkat narito, malaki ang inyong gantimpala sa langit, sapagkat ganito rin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta. 24 Subalit sa inyong aba, mga mayayaman sapagkat tinanggap na ninyo ang inyong kaaliwan. 25 Sa inyong aba, mga nabusog na sapagkat kayo ay magugutom. Sa kaabahan ninyo na mga tumatawa ngayon sapagkat kayo ay magluluksa at tatangis. 26 Sa inyong aba, kapag ang lahat ng mga tao ay magsasabi ng mabuti patungkol sa inyo sapagkat gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta. 27 “Sinasabi ko sa inyo na mga nakikinig: Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway. Gumawa kayo ng mabuti sa mga namumuhi sa inyo. 28 Pagpalain ninyo ang mga nanunungayaw sa inyo at ipanalangin ninyo sila na umaalipusta sa inyo. 29 Iharap mo rin ang kabila mong pisngi sa kaniya na humampas ng iyong pisngi at huwag mong ipagkait ang iyong tunika sa kaniya na kumukuha ng iyong damit. 30 At magbigay ka sa bawat isa na humihiling sa iyo. Huwag mo nang bawiin ang iyong mga pag-aari mula sa kaniya na kumuha sa iyo. 31 At ayon sa ninanais ninyong gawin ng mga tao sa inyo, gayundin ang gawin ninyo sa kanila. 32 “Ano ang pakinabang ninyo kung iniibig ninyo ang mga umiibig sa inyo? Sapagkat iniibig din ng mga makasalanan ang mga umiibig sa kanila. 33 Ano ang pakinabang ninyo kapag gumagawa kayo ng mabuti sa kanila na gumagawa ng mabuti sa inyo? Sapagkat gayundin ang ginagawa ng mga makasalanan. 34 Ano ang pakinabang ninyo kapag magpapahiram kayo sa kanila na inaasahan ninyong makakatanggap kayo? Sapagkat ang mga makasalanan ay nagpapahiram din sa mga makasalanan upang sila ay makatanggap ng gayundin. 35 Higit pa rito, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti. Magpahiram kayo na hindi umaasa ng kapalit at magiging malaki ang inyong gantimpala. At kayo ay magiging mga Anak ng Kataas-taasan sapagkat siya ay mabuti sa mga hindi mapagpasalamat at sa mga masama. 36 Kaya kayo ay maging maawain katulad din ng inyong Ama na maawain.” 37 “Huwag kayong humatol at hindi kayo mahatulan. Huwag kayong humusga at hindi kayo mahusgahan. Magpatawad kayo at kayo ay patatawarin. 38 Magbigay kayo at ito ay ibibigay sa inyo, tamang sukat, siniksik, niliglig at umaapaw ang ibibigay para sa inyong piling sapagkat sa gayunding sukat na inyong ipinangsusukat ay siya ring ipangsusukat sa inyo.” 39 At isang talinghaga ang sinabi niya sa kanila. “Maaakay ba ng isang bulag ang isang bulag? Hindi ba sila ay kapwa mahuhulog sa hukay? 40 Ang isang alagad ay hindi nakahihigit sa kaniyang guro. Ngunit ang bawat isa na naging ganap na alagad ay magiging katulad ng kaniyang guro. 41 “At bakit mo tinitingnan ang puwing sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinupuna ang troso na nasa sarili mong mata? 42 At paano mo makakayang sabihin sa iyong kapatid, ‘Kapatid, hayaan mong maalis ko ang puwing sa iyong mata’ kung hindi mo nakikita ang troso na nasa iyong mata? Mapagpaimbabaw ka! Alisin mo muna ang troso mula sa iyong sariling mata at pagkatapos ay makakakita kang malinaw upang maalis mo ang puwing sa mata ng iyong kapatid. 43 “Ang mabuting punongkahoy ay hindi nagbubunga ng masama o kaya ang masamang punongkahoy ay nagbubunga ng mabuti, 44 sapagkat ang bawat punongkahoy ay nakikilala sa kaniyang sariling bunga. Sapagkat ang mga tao ay hindi nag-iipon ng igos mula sa mga tinik, ni hindi sila namimitas ng ubas mula sa mababang puno. 45 Ang mabuting tao ay nagbubunga ng mabuti mula sa mabuting yaman ng kaniyang puso. Ngunit ang masamang tao ay nagbubunga ng masama mula sa masamang yaman ng kaniyang puso sapagkat ang kaniyang bibig ay nagsasalita mula sa kasaganaan ng puso. 46 “Ngunit bakit ninyo ako tinatawag, ‘Panginoon, Panginoon,’ subalit hindi ninyo ginagawa ang aking sinasabi? 47 Ang bawat isang lumalapit sa akin at nakikinig ng aking mga salita at kaniyang ginagawa ang mga ito ay ipapakita ko sa inyo kung sino ang katulad niya. 48 Siya ay katulad ng isang lalaking nagtatayo ng bahay, na naghukay ng malalim at naglagay ng saligan sa bato. Ngunit nang nagkaroon ng baha, ang agos ng ilog ay humampas nang malakas sa bahay na iyon, subalit hindi nito natinag ang bahay sapagkat ito ay naitayo sa bato. 49 At siya na nakarinig at hindi gumawa ay katulad ng isang tao na nagtayo ng bahay sa lupa na walang saligan at ang agos ng ilog ay humampas nang malakas sa bahay, at iyon ay bumagsak kaagad. Kaya ang pagkasira ng bahay na iyon ay naging malaki.”

Matthew 11

20 Pagkatapos nito, siya ay nagsimulang sumbatan ang mga lungsod kung saan naganap ang pinakamarami sa kaniyang makapangyarihang mga gawa, sapagkat hindi sila nagsisi. 21 “Sa iyong aba, Corazin! Sa iyong aba, Betsaida! Sapagkat kung ang mga makapangyahirang gawa na nangyari sa inyo ay nangyari sa Tiro at Sidon, sila ay matagal na sanang nagsisi na nasa kasuotang-sako at abo. 22 Gayunpaman, sinasabi ko sa inyo, magiging mas madaling tiisin ang sa Tiro at sa Sidon sa araw ng paghuhukom kaysa sa inyo. 23 At ikaw Capernaum, ikaw na itinaas hanggang sa langit, ikaw ay ibababa hanggang sa Hades sapagkat kung ang mga makapangyarihang gawa na nangyari sa iyo ay nangyari sa Sodoma, nananatili sana sila hanggang sa araw na ito. 24 Gayunpaman ay sinasabi ko sa inyo na magiging mas madaling tiisin ang sa lupain ng Sodoma sa araw ng paghuhukom kaysa sa inyo.” 25 Sa panahong iyon, si Jesus ay sumagot at sinabi, “O Ama, ipinagbubunyi kita, Panginoon ng langit at ng lupa, sapagkat itinago mo ang mga bagay na ito mula sa matatalino at marurunong, ngunit ipinahayag mo ang mga ito sa mga sanggol. 26 Gayon nga Ama, sapagkat ito nga ay naging kaluguran sa iyong paningin. 27 Ang lahat ay ipinagkaloob sa akin ng aking Ama at walang sinumang lubos na nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, ni walang sinumang lubos na nakakakilala sa Ama kundi ang Anak, at sa sinumang ibig na pagpahayagan ng Anak. 28 Pumarito kayo sa akin, kayong lahat na nagpapagal at nabibigatang lubha, bibigyan ko kayo ng kapahingahan. 29 Pasanin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin sapagkat ako ay maamo at mapagpakumbaba sa puso, at masusumpungan ninyo ang kapahingahan sa inyong mga kaluluwa 30 sapagkat ang aking pamatok ay madali at ang aking pasanin ay magaan.”

Matthew 5

1 Nang nakita ni Jesus ang mga napakarami, siya ay umahon sa bundok at nang siya ay umupo, lumapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad. 2 At ibinuka niya ang kaniyang bibig at sila ay tinuruan niya na sinasabi, 3 “Pinagpala ang mga dukha sa espiritu sapagkat sa kanila ang kaharian ng langit. 4 Pinagpala ang mga nagdadalamhati sapagkat sila ay aaliwin. 5 Pinagpala ang mga mapagpakumbaba sapagkat mamanahin nila ang lupa. 6 Pinagpala ang mga nagugutom at mga nauuhaw sa katuwiran sapagkat sila ay bubusugin. 7 Pinagpala ang mga mahabagin sapagkat sila ay kahahabagan. 8 Pinagpala ang mga may pusong dalisay sapagkat makikita nila ang Diyos. 9 Pinagpala ang mga mapagpayapa sapagkat sila ay tatawaging mga anak ng Diyos. 10 Pinagpala sila na mga pinagmamalupitan dahil sa katuwiran sapagkat sa kanila ang paghahari ng langit. 11 Pinagpala kayo kapag kayo ay hamakin, pagmamalupitan at pagwiwikaan nila ng lahat ng uri ng masamang pananalita na mga kasinungalingan laban sa inyo dahil sa akin. 12 Magalak kayo at magsaya nang lubos sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa kalangitan dahil sa gayunding paraan ay pinagmalupitan nila ang mga propetang nauna sa inyo. 13 “Kayo ang asin ng lupa. Ngunit kapag ang asin ay mawalan ng alat, papaano ito mapapaalat? Wala na nga itong kabuluhan kundi itapon sa labas at tapakan ng mga tao. 14 “Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lungsod na nakatayo sa ibabaw ng isang burol ay hindi makakayang itago. 15 Ang mga tao ay hindi nagsisindi ng ilawan at inilalagay ito sa ilalim ng takalan°, kundi sa lalagyan ng ilawan at ito ay nagliliwanag sa kanilang lahat na nasa bahay. 16 Pagliwanagin ninyo sa ganitong paraan ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at luluwalhatiin nila ang inyong Ama na nasa langit. 17 “Huwag ninyong isipin na ako ay pumarito upang sirain ang Kautusan o ang mga Propeta, ako ay pumarito hindi upang sirain kundi upang tuparin. 18 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, hanggang sa ang langit at ang lupa ay lilipas, ang isang tuldok o ang isang kudlit ay hinding-hindi lilipas mula sa Kautusan hanggang sa ang lahat ay maganap. 19 Kaya kapag ang sinuman ay lalabag sa isa sa pinakamaliit na mga utos na ito at magtuturo ng gayon sa mga tao, siya ay tatawaging pinakamababa sa kaharian ng langit. Ngunit kapag ang sinuman ay gaganap at magtuturo nito, siya ay tatawaging dakila sa kaharian ng langit. 20 Sapagkat sinasabi ko sa inyo na kapag ang inyong katuwiran ay hindi hihigit sa katuwiran ng mga eskriba at ng mga Fariseo, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit. 21 “Narinig ninyo na ito ay sinabi sa kanila noong unang panahon, ‘Huwag kang papatay. Ngunit ang sinumang makapatay ay mananagot sa paghuhukom.’ Exo 20:13; Deu 5:17 22 Subalit sinasabi ko sa inyo na ang bawat isang napopoot sa kaniyang kapatid nang walang dahilan ay mananagot sa paghuhukom. At kapag ang sinuman ay magsabi sa kaniyang kapatid, ‘Raca!’ siya ay mananagot sa Sanhedrin, at kapag ang sinuman ay magsasabi, ‘Hangal ka!’ Siya ay malalagay sa panganib sa apoy ng impiyerno. 23 Kaya kapag ikaw ay maghahandog ng iyong kaloob sa dambana at doon ay maalala mo na ang iyong kapatid ay may anumang laban sa iyo, 24 iwanan mo ang iyong kaloob doon sa harap ng dambana, unahin mong pumunta sa iyong kapatid upang makipagkasundo at pagkatapos ay bumalik ka at ihandog ang iyong kaloob. 25 Makipagkasundo ka kaagad sa nagsasakdal sa iyo habang ikaw ay kasama niya sa daan. Kung hindi, ikaw ay ibibigay ng nagsasakdal sa iyo sa hukom at ikaw ay ibibigay ng hukom sa kawal at ikaw ay ipapasok sa bilangguan. 26 Katotohanang sinasabi ko sa iyo, hinding-hindi ka makakalabas doon hanggang sa hindi mo mabayaran ang huling sentimo°. 27 “Narinig ninyo na ito ay sinabi sa kanila noong unang panahon, ‘Huwag kang mangangalunya.’ Exo 20:14; Deu 5:18 28 Ngunit sinasabi ko sa inyo na ang sinumang tumitingin sa babae na nagnanasa sa kaniya, sa puso niya siya ay nagkasala na ng pangangalunya sa kaniya. 29 At kung ang iyong kanang mata ay nagpapatisod sa iyo, dukutin mo ito at itapon sapagkat makakabuti sa iyo na mawala ang isa sa iyong mga bahagi at hindi ang iyong buong katawan ang maitapon sa impiyerno. 30 At kung ang iyong kanang kamay ay nagpapatisod sa iyo, putulin mo ito at itapon mula sa iyo sapagkat makakabuti sa iyo na mawala ang isa sa iyong mga bahagi at hindi ang iyong buong katawan ang maitapon sa impiyerno. 31 “At ito ay sinabi na, ‘Sinuman ang magpaalis sa kaniyang asawang babae, siya ay magbigay ng kasulatan ng paghihiwalay sa kaniya.’ Deu 24:1 32 Ngunit sinasabi ko sa inyo na ang sinumang magpaalis sa kaniyang asawang babae, maliban sa usapin ng pakikiapid, ay nagiging sanhi ng kaniyang pangangalunya. At kapag ang sinuman ay magpakasal sa babaing pinaalis na ay nagkakasala ng pangangalunya. 33 “Muli, narinig ninyo na ito ay sinabi noong unang panahon, ‘Huwag kang susumpa nang may kasinungalingan, kundi tutuparin mo ang mga sinumpaan mo sa Panginoon.’ Lev 19:12; Bil 30:2; Deu 23:21, 23 34 Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag kang manumpa kailanman, ni sa pamamagitan ng langit sapagkat ito ang trono ng Diyos, 35 ni sa pamamagitan ng lupa sapagkat ito ang tuntungan ng kaniyang mga paa, ni sa pamamagitan ng Jerusalem sapagkat ito ang lungsod ng dakilang Hari, 36 ni huwag kang sumumpa sa pamamagitan ng iyong ulo sapagkat hindi mo kayang gawing maputi o maitim ang isang buhok. 37 Subalit hayaan mong ang inyong pananalita ay dapat maging ‘Oo’ kung ‘oo,’ at ‘Hindi’ kung ‘hindi,’ ngunit ang higit pa rito ay mula sa masama. 38 “Narinig ninyo na ito ay sinabi, ‘Mata sa mata at ngipin sa ngipin.’ Exo 21:24; Lev 24:20; Deu 19:21 39 Ngunit sinasabi ko sa inyo na huwag kayong lumaban sa masamang tao. Subalit ang sinumang sasampal sa iyong kanang pisngi iharap mo rin sa kaniya ang kabila. 40 At ang sinumang nagnanais na magsakdal sa iyo at kukuha ng iyong tunika, hayaan mong kunin din niya ang iyong balabal. 41 At ang sinuman pipilit sa iyo na magdala ng daladalahin ng isang milya°, sumama ka sa kaniya sa dalawa. 42 Magbigay ka sa kaniya na humihingi sa iyo at siya na nagnanais na humiram sa iyo ay huwag mong tatalikuran. 43 “Narinig ninyo na ito ay sinabi, ‘Iibigin mo ang iyong kapwa at kamumuhian mo ang iyong kaaway.’ Lev 19:18 44 Ngunit sinasabi ko sa inyo na ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, sabihan ninyo ng mabuti sila na nag-aalimura sa inyo, gawan ninyo ng mabuti ang mga namumuhi sa inyo, manalangin kayo para sa kapakanan ng mga umaalipusta sa inyo at ng mga nagmamalupit sa inyo 45 upang kayo ay maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit sapagkat siya ang nagpapasikat ng kaniyang araw sa mga masama at sa mga mabuti, at nagpapaulan sa mga matuwid at sa mga hindi matuwid. 46 Dahil kapag iibigin ninyo ang mga umiibig sa inyo, anong gantimpala ang nakakamtan ninyo? Hindi ba ganiyan din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis? 47 At kapag ang inyong mga kapatid lamang ang inyong babatiin, ano ang ginagawa ninyong higit? Hindi ba ganiyan din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis? 48 Kaya kayo ay magpakasakdal kung paanong ang inyong Ama na nasa langit ay sakdal.

Matthew 6

1 “Mag-ingat kayo, huwag isagawa ang inyong kawanggawa sa harapan ng mga tao upang makita nila. Sapagkat kung magkagayon, hindi kayo magkakaroon ng gantimpala mula sa inyong Ama na nasa langit. 2 Kaya kapag ikaw ay gumagawa ng kawanggawa, huwag mong patunugin ang trumpeta sa iyong unahan katulad ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga sinagoga at sa mga daan upang sila ay maluwalhati ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, tinatanggap na nila ang kanilang gantimpala. 3 Ngunit kapag ikaw ay gumagawa ng kawanggawa, hindi dapat malaman ng iyong kaliwang kamay ang anumang ginagawa ng iyong kanang kamay 4 upang ang iyong kawanggawa ay maililihim at ang iyong Ama na siyang nakakakita ng lihim ang siyang magbibigay-gantimpala sa iyo nang hayagan. 5 “At kapag ikaw ay nananalangin, huwag kang maging katulad ng mga mapagkunwari sapagkat gustung-gusto nilang tumayo sa mga sinagoga at sa mga panulukan ng mga daan upang manalangin, nang sa gayon sila ay makita ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, tinatanggap na nila ang kanilang gantimpala. 6 Ngunit kapag ikaw ay nananalangin, pumasok ka sa iyong silid at pagkatapos mong isara ang pinto, manalangin ka sa iyong Ama ng palihim at ang iyong Ama na nagmamasid ng palihim ang magbibigay-gantimpala sa iyo nang hayagan. 7 At kapag kayo ay nananalangin, huwag ninyong gamitin ang mga paulit-ulit na mga walang kabuluhan katulad ng mga Gentil sapagkat inaakala nila na sa kanilang maraming salita, sila ay pakikinggan. 8 “Kaya huwag kayong tumulad sa kanila sapagkat alam na ng inyong Ama kung anu-ano ang inyong mga pangangailangan bago kayo humiling sa kaniya. 9 Kaya manalangin kayo sa ganitong paraan: Ama namin na nasa langit, pakabanalin ang pangalan mo. 10 Hayaang dumating ang iyong paghahari. Hayaang mangyari ang iyong kalooban kung paano sa langit ay gayundin sa lupa. 11 Ibigay mo sa amin sa araw na ito ang pang-araw-araw naming pagkain. 12 Patawarin mo kami sa aming mga pagkakautang, kung paano rin kami nagpapatawad sa mga nagkakautang sa amin. 13 At huwag mo kaming dalhin sa tukso sa halip ay iligtas mo kami mula sa masama sapagkat sa iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kaluwalhatian magpakailanman. Siya nawa. 14 “Dahil kapag nagpatawad kayo sa mga tao sa kanilang mga pagsalangsang, papatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit. 15 Ngunit kapag hindi kayo nagpatawad sa mga tao sa kanilang mga pagsalangsang, hindi rin kayo papatawarin ng inyong Ama sa inyong mga pagsalangsang. 16 “At kapag kayo ay nag-aayuno, huwag kayong maging katulad ng mga mapagpaimbabaw na malungkot ang mga mukha sapagkat pinapalungkot nila ang kanilang mga mukha upang sila ay magpakitang nag-aayuno sa mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, tinatanggap na nila ang kanilang gantimpala. 17 Ngunit ikaw, sa iyong pag-aayuno, langisan mo ang iyong ulo at hugasan mo ang iyong mukha 18 nang sa gayon ay hindi ka magpakitang nag-aayuno sa mga tao kundi sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na siyang nakakakita sa lihim ang maggagantimpala sa iyo nang hayagan. 19 “Huwag kayong mag-ipon para sa inyong sarili ng kayamanan sa lupa kung saan ang tanga at ang kalawang ay nakakapanira at kung saan ang mga magnanakaw ay nakakapanloob at nakakapagnakaw. 20 Sa halip mag-ipon kayo para sa inyong sarili ng kayamanan sa langit kung saan kahit ang tanga ni ang kalawang ay hindi nakakapanira at kung saan ang mga magnanakaw ay hindi nakakapanloob, ni nakakapagnakaw. 21 Ito ay sapagkat kung saan naroroon ang inyong kayamanan ay magiging doon din ang inyong puso. 22 “Ang ilawan ng katawan ay ang mata. Kaya kapag malinaw ang iyong mata, ang iyong buong katawan ay magiging maliwanag. 23 Subalit kapag ang iyong mata ay masama, mapupuno ng kadiliman ang iyong buong katawan. Kaya kung ang liwanag na nasa iyo ay kadiliman, gaano katindi ang kadilimang iyan! 24 “Walang sinuman ang makakayanang maglingkod sa dalawang panginoon sapagkat maaaring kamumuhian niya ang isa at iibigin ang iba, o kakapitan niya ang isa at hahamakin ang iba. Hindi ninyo makakayanang maglingkod sa Diyos at sa kayamanan. 25 “Dahil dito, sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa sa inyong buhay kung ano ang inyong kakainin, o kung ano ang inyong iinumin, o kung ano ang inyong isusuot sa inyong katawan. Hindi ba ang buhay ay higit pa sa pagkain at ang katawan sa damit? 26 Masdan ninyo ang mga ibon sa himpapawid, hindi sila naghahasik, ni gumagapas, ni nag-iipon sa mga kamalig ngunit sila ay pinapakain ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba higit pa kayong mahalaga kaysa sa kanila? 27 Sino sa inyo na sa pamamagitan ng pagkabalisa ay nakakayanang magdagdag ng isang siko° sa kaniyang tangkad? 28 “At bakit kayo nababalisa patungkol sa pananamit? Pagmasdan ninyong mabuti ang mga liryo sa parang kung paano sila lumalaki. Hindi sila gumagawa, ni nagsisinulid. 29 Ngunit sinasabi ko sa inyo na kahit si Solomon mismo ay hindi nakapagdamit nang katulad ng isa sa mga ito sa kaniyang buong kaluwalhatian. 30 Ngunit kung ganito dinaramtan ng Diyos ang damo sa parang na ngayon ay nabubuhay at bukas ay itatapon sa pugon, hindi ba lalong higit kayo, kayong maliit ang pananampalataya? 31 “Kaya huwag kayong mabalisa na nagsasabi, ‘Ano ang aming kakainin?’ o, ‘Ano ang aming iinumin?’ o, ‘Ano ang aming daramtin?’ 32 (sapagkat ang lahat ng mga bagay na ito ang hinahanap ng mga Gentil) dahil alam na ng inyong Ama na nasa langit na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito. 33 Subalit hanapin muna ninyo ang paghahari ng Diyos at ang kaniyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay idadagdag sa inyo. 34 Kaya huwag kayong mabalisa para sa kinabukasan sapagkat ang kinabukasan ang mababalisa sa mga bagay para sa kaniyang sarili. Sapat na para sa araw na ito ang kasamaan nito.

Matthew 7

1 “Huwag kayong humatol upang hindi kayo mahatulan 2 sapagkat sa hatol na inyong inihahatol ay hahatulan kayo at sa sukat na inyong ipinangsusukat ay susukatin kayo. 3 Bakit mo tinitingnan ang puwing sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinupuna ang troso sa iyong mata? 4 At paano mo sasabihin sa iyong kapatid, ‘Hayaan mong maalis ko ang puwing sa iyong mata,’ ngunit narito, ang troso ay nasa iyong mata? 5 Mapagpaimbabaw ka! Alisin mo muna ang troso mula sa iyong mata at pagkatapos ay makakakita kang malinaw upang iyong maalis ang puwing mula sa mata ng iyong kapatid. 6 “Hindi ninyo dapat ibigay sa mga aso yaong banal, ni hindi ninyo dapat ihagis ang inyong mga perlas sa harap ng mga baboy; baka yurakan nila ang mga ito ng kanilang mga paa at sa kanilang pagbalik ay lapain kayo. 7 “Humiling kayo at ito ay ibibigay sa inyo. Maghanap kayo at kayo ay makakasumpong. Kumatok kayo at ito ay bubuksan sa inyo 8 sapagkat ang bawat isang humihiling ay tumatanggap at siya na naghahanap ay nakakasumpong at siya na kumakatok ay pagbubuksan. 9 Ano ang taong mula sa inyo ang magbibigay ng bato sa kaniyang anak kapag siya ay humiling ng tinapay? 10 O magbibigay ng ahas kapag siya ay hihiling ng isda? 11 Kaya kung kayo na masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit, na magbibigay ng mabubuting bagay sa kanila na humihiling sa kaniya? 12 Kaya nga, ang lahat ng mga bagay na ninanais ninyong gawin ng mga tao sa inyo, gayon nga ang gawin ninyo sa kanila sapagkat ito ang Kautusan at ang mga Propeta. 13 “Pumasok kayo sa makipot na tarangkahan sapagkat malapad ang tarangkahan at malawak ang daang patungo sa kapahamakan ngunit marami yaong nagsisipasok doon 14 dahil makipot ang tarangkahan at makitid ang daang patungo sa buhay at kaunti yaong nakakasumpong nito. 15 “Mag-ingat kayo mula sa mga bulaang propeta na lumalapit sa inyo sa kasuotang tupa ngunit sa loob, sila ay mababangis na lobo. 16 Makikilala ninyo sila sa pamamagitan ng kanilang mga bunga. Nakakapag-ipon ba ng ubas mula sa mga tinik o ng mga igos mula sa mga dawag? 17 Sa gayunding paraan ang bawat mabuting punongkahoy ay nagbubunga ng mabubuting bunga, ngunit ang masamang punongkahoy ay nagbubunga ng masasamang bunga. 18 Ang mabuting punongkahoy ay hindi makakayang magbunga ng masasamang bunga at ang masamang punongkahoy ay hindi magagawang magbunga ng mabubuting bunga. 19 Ang bawat punongkahoy na hindi nagbubunga ng mabuting bunga ay pinuputol at inihahagis sa apoy. 20 Kaya nga mula sa kanilang mga bunga ay makikilala ninyo sila. 21 “Hindi ang bawat isa na nagsasabi sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay makakapasok sa kaharian ng langit, kundi siya na gumagawa ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. 22 Marami ang magsasabi sa akin sa araw na iyon, ‘Panginoon, Panginoon, hindi ba sa iyong pangalan kami ay nagpahayag at sa iyong pangalan ay nagpalayas kami ng mga demonyo at sa iyong pangalan ay gumawa kami ng maraming makapangyarihang mga gawa?’ 23 Kung gayon, ipahahayag ko sa kanila, ‘Kailanman ay hindi ko kayo nakilala. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng hindi pagkilala sa kautusan!’ 24 “Kaya ang sinumang dumirinig sa mga salita kong ito at isinasagawa ang mga ito, siya ay ihahalintulad ko sa isang lalaking matalino na nagtayo ng kaniyang bahay sa ibabaw ng bato. 25 At bumuhos ang ulan at dumating ang baha at umihip ang hangin at kanilang hinampas ang bahay na iyon, ngunit iyon ay hindi bumagsak sapagkat iyon ay nakatatag sa ibabaw ng bato. 26 “At ang bawat isang dumirinig sa mga salita kong ito at hindi isinasagawa ang mga ito ay maihahalintulad sa isang lalaking mangmang na nagtayo ng kaniyang bahay sa ibabaw ng buhangin. 27 At bumuhos ang ulan at dumating ang mga baha at umihip ang mga hangin at kanilang hinampas ang bahay na iyon at iyon ay bumagsak at lubos ang kaniyang pagkawasak.” 28 At nangyari, nang natapos ni Jesus ang mga pananalitang ito, ang napakaraming tao ay nanggilalas sa kaniyang katuruan 29 sapagkat sila ay tinuturuan niya katulad ng isang may kapamahalaan at hindi katulad ng mga eskriba.

Tiedoston enimmäiskoko
Lapad
2668
Taas
4000
₱242.93
Special Galleries
Good Soil Print Gallery
GoodSalt Gallery
Nature Photography Gallery
Steve Creitz Select
Seasonal
Harry Anderson Select

Tarjoamme merkittäviä volyymilisensointialennuksia.
Onko kysyttävää? Soita 800-805-8001 or +1 208-455-5659 ja pyydä tarjous. Työskentelemme budjettisi mukaan.

Post To Feed Pin It
Valolaatikko
Aiheeseen liittyvät kuvat
  1. Uusi taivas, uusi maa
  2. Sermon vuorella
  3. Sermon vuorella
  4. Sermon vuorella
  5. Sermon vuorella
  6. Sermon vuorella
  7. Sermon vuorella
  8. Sermon vuorella
  • Lisenssitiedot
  • Privacy
  • Ota yhteyttä
  • Artistit
1 800 805.8001
© 2026       Lahat ng mga larawan at media na naka-copyright ng GoodSalt, Inc. at/o mga nag-ambag nito. Lahat ng Karapatan ay Nakalaan.
  Tagalog
  •  Afrikaans
  •  Bahasa Indonesia
  •  Bahasa Melayu
  •  Česky
  •  Deutsch
  •  English
  •  Español
  •  Français
  •  Italiano
  •  Magyar
  •  Nederlands
  •  Polski
  •  Português
  •  Română
  •  Shqip
  •  Tiếng Việt
  •  Türkçe
  •  Ελληνικά
  •  Български
  •  русский
  •  Српски / Srpski
  •  Українська
  •  עברית
  •  العربية
  •  فارسی
  •  हिन्दी
  •  ไทย
  •  中文
  •  日本語
  •  粵語
  •  한국어