1 Sa oras ding iyon ay lumapit ang mga alagad kay Jesus na sinasabi, “Sino kung gayon ang pinakadakila sa paghahari ng langit?”2 Kaya tinawag ni Jesus sa kaniya ang isang maliit na bata at pinatayo sa kalagitnaan nila.3 At sinabi niya, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, maliban na kayo ay magbago at maging katulad ng maliliit na bata, hinding-hindi kayo makakapasok sa paghahari ng langit.4 Kaya ang sinumang magpakumbaba ng kaniyang sarili katulad ng maliit na batang ito ay siyang pinakadakila sa paghahari ng langit.5 At ang sinumang tatanggap sa isa sa maliliit na batang katulad nito sa aking pangalan ay tinatanggap ako.