1 At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa trono ang isang balumbon na may nakasulat sa loob at sa likod na sinelyuhan ng pitong selyo.2 At nakita ko ang isang malakas na anghel na nagpapahayag sa pamamagitan ng isang malakas na tinig, “Sino ang karapat-dapat na magbukas ng balumbon at magtanggal ng mga selyo nito?”3 At walang sinuman sa langit, o sa lupa man, o sa ilalim man ng lupa ang may kakayahang magbukas ng balumbon ni tingnan man ito.4 Kaya ako ay labis na tumangis dahil walang sinumang natagpuang karapat-dapat magbukas at magbasa ng balumbon ni tingnan man ito.5 At ang isa sa matatanda ay nagsabi sa akin, “Huwag kang tumangis. Narito, ang Leon na mula sa lipi ni Juda, ang ugat ni David ay nagtagumpay upang buksan ang balumbon at alisin ang pitong selyo nito.”
Revelation 5
9 At sila ay umaawit ng bagong awit na sinasabi, “Ikaw ang karapat-dapat na kumuha ng balumbon at magbukas ng mga selyo nito dahil ikaw ay pinatay, at tinubos kami sa pamamagitan ng iyong dugo para sa Diyos mula sa bawat lipi at wika, at bayan at bansa.