Seitsemänkymmentä lähetetty
| Secondary Keywords | alagad bumalik ipinadala Ipinapadala Jeesus Jeesus pahimakas pasulong Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 10:1-16 |
Luke 101 Pagkatapos ng mga bagay na ito, ang Panginoon ay humirang ng pitumpung iba pa at sila ay isinugo niya nang dala-dalawa sa kaniyang unahan sa bawat lungsod at dako na kaniyang pupuntahan.2 Kaya sinabi niya sa kanila, “Totoong marami ang anihin ngunit kakaunti ang mga manggagawa. Dumalangin nga kayo sa Panginoon ng anihan upang magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang anihan.3 Humayo kayo. Narito, isinusugo ko kayo katulad ng mga batang tupa sa kalagitnaan ng mga lobo.4 Huwag kayong magdala ng lalagyan ng salapi, o ng supot, o ng mga pangyapak, at huwag kayong bumati kaninuman sa daan.5 Sa alinmang bahay na inyong papasukan, sabihin ninyo, ‘Kapayapaan sa bahay na ito.’6 Kapag ang anak ng kapayapaan ay naroroon, ang inyong kapayapaan ay mananatili roon, ngunit kung hindi, ito ay babalik sa inyo.7 At kayo ay manatili mismo sa bahay na iyon. Kainin at inumin ninyo ang anumang bagay na ipagkaloob nila sapagkat ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang gantimpala. Huwag kayong magpalipat-lipat ng bahay.8 At sa alinmang lungsod na inyong papasukin at kayo ay kanilang tatanggapin, kainin ninyo ang mga bagay na inihahain sa inyo.9 Pagalingin ninyo ang mga may karamdaman na naroroon at sabihin ninyo sa kanila, ‘Ang paghahari ng Diyos ay lumapit na sa inyo.’10 Ngunit sa alinmang lungsod na inyong papasukin at kayo ay hindi tatanggapin, paglabas ninyo sa mga lansangan nito ay sabihin ninyo,11 ‘Maging ang alikabok na kumapit sa amin mula sa inyong lungsod ay aming ipinapagpag laban sa inyo. Gayunpaman, alamin ninyo ito, na ang paghahari ng Diyos ay lumapit na sa inyo.’12 Subalit sinasabi ko sa inyo na lalo pang madaling tiisin ang parusa sa Sodoma sa araw na iyon kaysa sa lungsod na iyon.”13 “Sa iyong aba, Corazin! Sa iyong aba, Betsaida! Sapagkat kung ang mga makapangyahirang gawa na nangyari sa inyo ay nangyari sa Tiro at Sidon, sila ay matagal na sanang nagsisi na nakaupo sa kasuotang-sako at sa abo.14 At madali pang batahin ang parusa sa Tiro at Sidon kaysa sa inyo sa paghuhukom.15 At ikaw Capernaum na itinaas hanggang sa langit ay ibabagsak hanggang sa Hades.16 Siya na dumirinig sa inyo ay dumirinig sa akin. Siya na tumatanggi sa inyo ay tumatanggi sa akin at siya na tumatanggi sa akin ay tumatanggi sa nagsugo sa akin.” | |








