17 Ang mga ito ay anino ng mga bagay na darating ngunit ang katawan ay kay Cristo.18 Huwag ninyong hayaan na ang inyong gantimpala ay dayain ng sinumang nagnanais ng pagpapakumbaba at ng pagsamba sa mga anghel, na nanghihimasok sa mga bagay na hindi niya nakita, na nagmamalaki ng walang kabuluhan sa pamamagitan ng kaniyang isipang makalaman19 at hindi humahawak sa ulo, na sa kaniya ang buong katawan ay lumalago sa pagpalago ng Diyos sa pamamagitan ng itinutustos at inihuhugpong sa mga kasukasuan at mga litid.
Psalm 23
4 Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan, wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin: ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin.