40 Sila ang mga lumalamon sa mga bahay ng mga babaing balo, at sa pagkukunwari ay nananalangin sila ng mahaba. Sila ang mga tatanggap ng labis-labis na kahatulan.”41 At nang umupo si Jesus sa tapat ng kaban ng yaman, nakita niya kung paano naghuhulog ng salapi sa kaban ng yaman ang napakaraming tao. Marami ring mayaman ang naghulog ng maraming salapi.42 Sa paglapit ng dukhang babaing balo, naghulog siya ng dalawang lepta° na halos katumbas ng sentimo°.43 At nang pinalapit ni Jesus sa kaniya ang kaniyang mga alagad, sinabi niya sa kanila, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo na ang dukhang babaing balong ito ang naghulog ng higit kaysa sa lahat ng mga naghulog sa kaban ng yaman44 sapagkat lahat ay naghulog mula sa kanilang kasaganaan, ngunit mula sa kaniyang karukhaan ay inihulog niya ang lahat ng kaniyang mga tinatangkilik, kahit ang kaniyang buong kabuhayan.”