1 Pagkatapos nito, si Jesus ay dinala ng Banal na Espiritu sa ilang upang tuksuhin ng diyablo.2 At pagkatapos niyang makapag-ayuno ng apatnapung araw at apatnapung gabi, siya ay nagutom.3 At nang dumating sa kaniya ang manunukso ay sinabi nito, “Yamang ikaw ang Anak ng Diyos, sabihin mo sa mga batong ito na maging tinapay.”4 Ngunit si Jesus ay sumagot na nagsasabi, “Ito ang nasusulat, ‘Ang tao ay hindi mabubuhay sa tinapay lamang kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.’ ” Deu 8:35 Pagkatapos nito, siya ay dinala ng diyablo sa banal na lungsod at siya ay pinatayo sa taluktok ng templo6 at sinabi niya sa kaniya, “Yamang ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka sapagkat ito ang nasusulat, ‘Uutusan niya ang kaniyang mga anghel para sa iyo’ at ‘bubuhatin ka ng kanilang mga kamay upang hindi tatama sa bato ang iyong paa.’ ” Awi 91:11-127 Sumagot si Jesus sa kaniya, “Muli, ito ang nasusulat, ‘Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Diyos.’ ” Deu 6:168 Siya ay muling dinala ng diyablo sa isang napakataas na bundok at ipinakita sa kaniya ang lahat ng mga kaharian ng sanlibutan at ang kaluwalhatian ng mga ito,9 at sinabi niya sa kaniya, “Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo kung ikaw ay magpatirapa at sasamba sa akin.”10 Pagkatapos nito, sinabi ni Jesus sa kaniya, “Satanas, lumayo ka! Sapagkat ito ang nasusulat, ‘Sasambahin mo ang Panginoon mong Diyos at siya lamang ang iyong paglilingkuran.’ ” Deu 6:1311 Pagkatapos nito, siya ay iniwan ng diyablo, at narito, lumapit ang mga anghel at pinaglingkuran siya.