54 At sinabi rin niya sa napakaraming tao, “Kapag makita ninyo ang ulap na pumapaitaas mula sa kanluran ay sinasabi ninyo kaagad, ‘Dumarating ang ulan’ at gayon ang nangyayari.55 At kapag ang hanging habagat ay umiihip, sinasabi ninyo, ‘Magkakaroon ng matinding init’ at ito ay nangyayari.56 Mga mapagpaimbabaw! Alam na ninyong kilalanin ang anyo ng langit at ng lupa, ngunit paanong hindi ninyo nakikilala ang kapanahunang ito?