35 Sa araw na iyon, nang sumapit ang takipsilim, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Tumawid tayo sa kabilang ibayo.”36 At nang napauwi na nila ang napakaraming tao, isinama nila siya nang bukod sa bangka bagaman may kasama rin siyang maliliit na mga bangka.37 At dumating ang malakas na bagyo ng hangin at sinasalpok ng malalakas na alon ang bangka kaya napupuno na ito ng tubig.38 Siya ay natutulog na may unan sa hulihang bahagi ng bangka. At siya ay ginising nila at sinabi sa kaniya, “Guro, bale wala ba sa iyo na tayo ay napapahamak?”39 Sa kaniyang pagbangon, kaniyang sinaway ang hangin at sinabi sa dagat, “Pumanatag ka! Tumahimik ka!” Kaya tumahimik ang hangin at nagkaroon ng lubos na kapayapaan.40 At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, “Bakit kayo natatakot? Paanong nagkagayon na wala kayong pananampalataya?”41 At natakot sila ng lubhang pagkatakot at nagsabi sila sa isa't isa, “Sino nga ba ang taong ito na kahit ang hangin at ang dagat ay sumusunod sa kaniya?”