1 Saan nagmula ang mga digmaan at mga pag-aaway-away sa inyo? Hindi ba ang mga ito ay nagmula sa inyong mga makalamang pagnanasa na lumalaban sa mga bahagi ng inyong katawan?2 Kayo ay masidhing nagnanasa ngunit hindi kayo nagkakaroon. Kayo ay pumapatay at nag-iimbot ngunit hindi kayo nagkakamit. Kayo ay nag-aaway-away at naglalabanan ngunit hindi kayo nagkakaroon dahil hindi kayo humihiling.