20 Sumagot si Jesus sa kaniya, “Ako ay hayagang nagsalita sa sangkatauhan. Ako ay palaging nagtuturo sa sinagoga at sa templo na palaging pinagtitipunan ng mga Judio at wala akong sinabing lihim.
Luke 13
10 At si Jesus ay nagtuturo sa isa sa mga sinagoga sa araw ng Sabat.
Matthew 4
23 At nilibot ni Jesus ang buong Galilea na nagtuturo sa kanilang mga sinagoga at ipinapahayag ang ebanghelyo ng paghahari at pinapagaling ang bawat uri ng sakit at bawat uri ng karamdaman ng tao.
Matthew 9
35 At ang lahat ng mga lungsod at mga nayon ay nilibot ni Jesus na nagtuturo sa kanilang mga sinagoga at ipinapahayag ang ebanghelyo ng paghahari at pinapagaling ang bawat sakit at bawat karamdaman ng mga tao.