4 At ang lahat na natatanaw sa langit ay malilipol, at ang langit ay mababalumbong parang isang ikid: at ang buo nilang hukbo ay mawawala na parang dahong nalalanta sa puno ng ubas, at gaya ng lantang dahon ng puno ng igos.
Mark 13
25 at ang mga bituin ng langit ay magbabagsakan, at ang mga kapangyarihan na nasa kalangitan ay mayayanig.
Matthew 24
29 “At kaagad, pagkatapos ng matinding paghihirap sa mga araw na iyon, ang araw ay magdidilim at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag at ang mga bituin ay babagsak mula sa langit at ang mga kapangyarihan ng kalangitan ay mayayanig.
Revelation 6
13 Ang mga bituin sa langit ay nahulog sa lupa katulad ng pagkahulog ng mga bubot na bunga ng puno ng igos kung inuuga dahil sa napakalakas na hangin.