Stephen
| Secondary Keywords | binato Jerusalem kasaysayan Ministeriö pahimakas simbahan Stephen Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Gawa 7 |
Acts 71 At sinabi ng pinakapunong saserdote, “Totoo nga ba ang mga bagay na ito?”2 Kaya sinabi niya, “Mga ginoo, mga kapatid, at mga ama, makinig kayo. Ang Diyos ng kaluwalhatian ay nagpakita sa ating amang si Abraham nang siya ay nasa Mesopotamia, bago siya manirahan sa Haran.3 At sinabi sa kaniya, ‘Umalis ka mula sa iyong lupain at mula sa iyong kamag-anakan at pumunta ka sa lupain na ipapakita ko sa iyo.’ Gen 12:14 Nang magkagayon, pagkaalis niya mula sa bayan ng Caldea, siya ay nanirahan sa Haran. Mula roon, pagkamatay ng kaniyang ama, siya ay dinala ng Diyos sa lupaing ito kung saan kayo ay naninirahan ngayon.5 Hindi siya binigyan ng Diyos ng pamana roon, kahit man lang mayayapakan ng paa. Ngunit ipinangako niya na ibibigay ito sa kaniya bilang kaniyang pag-aari at sa kaniyang binhi pagkatapos niya, kahit siya ay wala pang anak.6 At ang Diyos ay nagsalita sa ganitong paraan, ang kaniyang binhi ay magiging dayuhan sa ibang bayan at sila ay aalipinin at pagmamalupitan sa loob ng apatnaraang taon.7 ‘At hahatulan ko ang bansa na mang-aalipin sa kanila,’ sinabi ng Diyos. ‘Pagkatapos ng mga bagay na ito, sila ay lalabas at maglilingkod sa akin sa dakong ito.’ Gen 15:13-148 At ibinigay niya sa kaniya ang tipan ng pagtutuli at sa ganitong paraan naging anak ni Abraham si Isaac at siya ay tinuli sa ikawalong araw, at isinilang si Jacob kay Isaac at isinilang kay Jacob ang labindalawang patriarka.9 “Dahil sa inggit ng mga patriarka, si Jose ay ipinagbili sa Egipto. Gayunpaman, ang Diyos ay kasama niya.10 At siya ay iniligtas ng Diyos mula sa lahat ng kaniyang mga paghihirap at binigyan siya ng biyaya at karunungan sa harap ni Faraon na hari ng Egipto, at itinalaga siyang gobernador sa buong Egipto at sa kaniyang buong sambahayan.11 Ngunit dumating ang taggutom sa buong lupain ng Egipto at Canaan at matinding kahirapan, at walang matagpuang pagkain ang ating mga ninuno.12 Ngunit nang narinig ni Jacob na may trigo sa Egipto, una niyang isinugo ang ating mga ninuno.13 At sa ikalawang pagkakataon ay nakilala si Jose ng kaniyang mga kapatid at ang angkan ni Jose ay nahayag kay Faraon.14 Pagkatapos nito, nagsugo si Jose at ipinatawag ang kaniyang amang si Jacob at ang lahat ng kaniyang kamag-anak na pitumpu't limang katao.15 Bumaba si Jacob sa Egipto at namatay, siya at ang ating mga ninuno.16 Kaya sila ay inilipat sa Shekem at inilagay sa libingang binili ni Abraham sa halaga ng salapi sa mga anak ni Hamor sa Shekem.17 “Ngunit nang malapit na ang panahon ng pangako na sinumpaan ng Diyos kay Abraham, nadagdagan at lalong dumami ang mga tao sa Egipto18 ‘hanggang sa dumating ang ibang hari na hindi nakakilala kay Jose.’ Exo 1:819 Siya ay nagharing may katusuhan sa ating lahi at kaniyang pinagmalupitan ang ating mga ninuno upang pabayaan sa labas ang kanilang mga sanggol nang sa gayon ay hindi sila mabuhay.20 Si Moises ay ipinanganak nang panahong iyon at siya ay kaaya-aya sa harap ng Diyos, at tatlong buwan siyang inalagaan sa bahay ng kaniyang ama.21 At nang siya ay pinabayaan sa labas, siya ay inampon ng babaing anak ni Faraon at siya ay inalagaan para maging kaniyang anak.22 Kaya si Moises ay tinuruan sa lahat ng karunungan ng mga taga-Egipto at siya ay makapangyarihan sa mga salita at sa mga gawa.23 “Ngunit nang siya ay ganap nang apatnapung taong gulang, ninais ng kaniyang puso na dalawin ang kaniyang mga kapatid, ang mga anak ni Israel.24 At nang nakita niya na ang isa ay sinasaktan, pinagtanggol niya at sa paghihiganti ng inaapi ay pinatay niya ang taga-Egipto25 sapagkat inakala niya na mauunawaan ng kaniyang mga kapatid na ang Diyos ang nagbibigay sa kanila ng kaligtasan sa pamamagitan ng kaniyang kamay, ngunit hindi nila ito naunawaan.26 Kinabukasan, nagpakita siya sa kanila na mga nag-aaway at siya ay namagitan sa kanila para sa kapayapaan at sinabi, ‘Mga ginoo, kayo ay magkapatid, bakit kayo gumagawa ng hindi tama sa isa't isa?’27 Ngunit si Moises ay itinulak ng taong gumagawa ng hindi tama sa kaniyang kapwa na sinasabi, ‘Sino ang nagtalaga sa iyo na maging pinuno at hukom sa amin?28 Ninanais mo ba akong patayin katulad ng pagpatay mo sa taga-Egipto kahapon?’ Exo 2:1429 Kaya si Moises ay tumakas dahil sa pananalitang ito at siya ay naging dayuhan sa lupain ng Midian kung saan siya ay nagkaanak ng dalawang lalaki.30 “At pagkalipas ng apatnapung taon, isang anghel ng Panginoon ang nagpakita sa kaniya sa ilang na dako ng bundok ng Sinai sa ningas ng apoy sa isang mababang palumpong.31 Nang nakita ito ni Moises, siya ay namangha sa tanawin, ngunit nang siya ay lumapit upang pagmasdan ito, dumating sa kaniya ang tinig ng Panginoon,32 ‘Ako ang Diyos ng iyong mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob.’ Exo 3:6 Kaya si Moises, sa kaniyang panginginig, ay hindi naglakas-loob na pagmasdan ito.33 Kaya sinabi sa kaniya ng Panginoon, ‘Alisin mo ang mga pangyapak sa iyong mga paa sapagkat ang dakong kinatatayuan mo ay lupang banal.34 Sa aking pagmamasid, namasdan ko ang labis na kalupitan ng mga taga-Egipto sa aking bayan at narinig ko ang kanilang hinagpis. Kaya ako ay bumaba upang sila ay iligtas. Halika, susuguin kita sa Egipto.’ Exo 3:5, 7, 8, 1035 “Ito ang Moises na kanilang tinanggihan nang kanilang sabihin, ‘Sino ang nagtalaga sa iyo na maging pinuno at hukom?’ Exo 2:14 Siya ang isinugo ng Diyos na pinuno at tagapagpalaya sa pamamagitan ng kamay ng anghel na nagpakita sa kaniya sa mababang punongkahoy.36 Siya ang nanguna sa kanilang paglabas na ginawa ang mga kamangha-manghang gawa at mga tanda sa lupain ng Egipto, sa Dagat na Pula at sa ilang na dako sa loob ng apatnapung taon.37 “Ito ang Moises na siyang nagsabi sa mga anak ni Israel, ‘Ang inyong Panginoon Diyos ay magtitindig sa inyo ng propeta na katulad ko mula sa inyong mga kapatid. Siya ang inyong pakikinggan.’ Deu 18:1538 “Ito yaong naroon sa kapulungan sa ilang na dako, na kasama ang anghel na siyang nagsalita sa kaniya sa bundok ng Sinai at kasama ang ating mga ninuno. Siya ang tumanggap ng mga buhay na pahayag ng Diyos upang ibigay sa atin.39 Ang ating mga ninuno ay hindi naging masunurin sa kaniya, sa halip, sila ang nagtakwil sa kaniya at kanilang ibinaling ang kanilang mga puso sa Egipto.40 Sila ang nagsabi kay Aaron, ‘Igawa mo kami ng mga diyos na mangunguna sa amin sapagkat hindi na namin alam kung ano ang nangyari kay Moises na siyang nanguna sa paglabas namin sa lupain ng Egipto.’ Exo 32:1, 2341 At sila ay gumawa ng guyang baka nang mga araw na iyon at naghandog ng hain sa diyos-diyosang iyon, at sila ay pinasaya ng mga gawa ng kanilang mga kamay.42 Kaya ang Diyos ay tumalikod at hinayaan silang sumamba sa hukbo ng langit kagaya ng nasusulat sa aklat ng mga propeta, ‘O, sambahayan ni Israel, hinandugan ba ninyo ako ng mga pinatay na hayop at mga hain sa loob ng apatnapung taon sa ilang na dako?43 Dinala rin ninyo ang kubol ni Moloc at ang bituin ng diyos ninyong si Refan, ang mga diyos-diyosan na ginawa ninyo upang sila ang inyong sambahin. Dadalhin ko rin kayong bihag sa dakong lagpas pa ng Babilonia.’ Amo 5:25-2744 “Ang tabernakulo ng patotoo ay nasa ating mga ninuno sa ilang na dako, upang ito ay gawin na ayon sa huwarang kaniyang nakita, na ayon sa iniutos niyaong nagsalita kay Moises.45 Ito ay dinala rin ng mga sumunod na mga ninuno natin, kasama ni Josue, sa lupain ng mga Gentil na mga pinalayas ng Diyos sa harapan ng ating mga ninuno, hanggang sa mga araw ni David46 na siyang nakasumpong ng biyaya sa paningin ng Diyos kaya hiniling niya na makita ang tabernakulo para sa Diyos ni Jacob.47 Ngunit si Solomon ang nagtayo ng bahay para sa kaniya.48 “Subalit ang Kataas-taasan ay hindi nananahanan sa mga banal na dako ng templo na gawa ng mga kamay, katulad sa sinasabi ng propeta,49 ‘Ang langit ay ang aking trono at ang lupa ay ang tuntungan ng aking mga paa. Anong bahay ang itatayo ninyo sa akin? ang sabi ng Panginoon. O anong dako ang pahingahan ko?50 Hindi ba ang aking kamay ang gumawa ng lahat ng mga ito?’ Isa 66:1-251 “Kayong mga matitigas ang ulo at hindi tuli ang puso at mga tainga, palagi ninyong sinasalungat ang Banal na Espiritu. Kung ano ang inyong mga ninuno ay gayundin naman kayo!52 Sino sa mga propeta ang hindi pinagmalupitan ng inyong mga ninuno? Pinatay nila ang mga unang nagpahayag patungkol sa pagdating niyaong Matuwid. Sa kaniya, kayo ngayon ang naging mga tagapagkanulo at mga mamamatay-tao.53 Kayo ang tumanggap ng Kautusan na atas ng mga anghel subalit ito ay hindi ninyo tinupad.”54 Ngunit nang narinig nila ang mga bagay na ito, nag-alab ang galit sa kanilang mga puso at nagngalit ang kanilang mga ngipin laban kay Esteban.55 Subalit siya, na puspos ng Banal na Espiritu, nang tumingala siyang nakatuon sa langit ay nakita niya ang kaluwalhatian ng Diyos, at si Jesus na nakatayo sa bahaging kanan ng Diyos.56 Kaya sinabi niya, “Narito, Nakikita kong nabuksan na ang kalangitan at ang Anak ng Tao ay nakatayo sa bahaging kanan ng Diyos!”57 Kaya sumigaw sila na may malakas na tinig, tinakpan nila ang kanilang mga tainga at nagkakaisa nilang sinugod si Esteban.58 Nang siya ay naitaboy nila palabas sa lungsod, siya ay kanilang pinagbabato, at inilagay ng mga saksi ang kanilang mga damit malapit sa paanan ng kabataan na tinatawawag na Saulo.59 At pinagbabato nila si Esteban habang siya ay tumatawag at sinasabi, “Panginoong Jesus, tanggapin mo ang aking espiritu.”60 Pagkatapos nito, habang siya ay nakaluhod, siya ay sumigaw na may malakas na tinig, “Panginoon, huwag mo nawang ipataw sa kanila ang kasalanang ito.” Pagkasabi niya nito, siya ay namatay. | |








