5 Na siyang naglagay ng mga patibayan ng lupa, upang huwag makilos magpakailan man,6 Iyong tinakpan ng kalaliman na tila isang bihisan; ang tubig ay tumatayo sa itaas ng mga bundok.7 Sa iyong pagsaway sila'y nagsitakas; sa hugong ng iyong kulog ay nagmadaling nagsialis sila;8 Sila'y nagsiahon sa mga bundok, sila'y nagsilusong sa mga libis, sa dako mong itinatag ukol sa kanila.9 Ikaw ay naglagay ng hangganan upang sila'y huwag makaraan; upang sila'y huwag magsibalik na tumakip sa lupa.
Psalm 121
1 Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok; saan baga manggagaling ang aking saklolo?2 Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa.
Psalm 95
4 Na sa kaniyang kamay ang mga malalim na dako ng lupa, ang mga kataasan ng mga bundok ay kaniya rin.5 Ang dagat ay kaniya, at kaniyang ginawa: at ang kaniyang mga kamay ay lumikha ng tuyong lupa.