6 Ang tinig ng isang nagsasabi, Ikaw ay dumaing. At sinabi ng isa, Ano ang aking idadaing? Lahat ng laman ay damo, at ang buong kagandahan niyaon ay parang bulaklak ng parang.7 Ang damo ay natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta, sapagka't ang hinga ng Panginoon ay humihihip doon; tunay na ang bayan ay damo.8 Ang damo ay natutuyo, ang bulaklak ay nalalanta; nguni't ang salita ng ating Dios ay mamamalagi magpakailan man.
Matthew 6
28 “At bakit kayo nababalisa patungkol sa pananamit? Pagmasdan ninyong mabuti ang mga liryo sa parang kung paano sila lumalaki. Hindi sila gumagawa, ni nagsisinulid.29 Ngunit sinasabi ko sa inyo na kahit si Solomon mismo ay hindi nakapagdamit nang katulad ng isa sa mga ito sa kaniyang buong kaluwalhatian.30 Ngunit kung ganito dinaramtan ng Diyos ang damo sa parang na ngayon ay nabubuhay at bukas ay itatapon sa pugon, hindi ba lalong higit kayo, kayong maliit ang pananampalataya?