Tällainen usko
| Avainsanat | Jeesus Jeesus |
|---|---|
| Secondary Keywords | Elämää himala Jairo koleksyon magtanong may sakit paglunas pananampalataya |
| Mga Banal na Kasulatan | Luke 7:9 Matthew 8:8-15 |
Luke 79 At nang narinig ni Jesus ang mga bagay na ito, siya ay namangha. At paglingon niya sa napakaraming taong sumusunod sa kaniya, sinabi niya, “Sinasabi ko sa inyo, wala akong natagpuang ganito kalaking pananampalataya kahit sa mga taga-Israel.” Matthew 88 Ngunit ang senturion ay sumagot at sinabi, “Panginoon, ako ay hindi karapat-dapat na ikaw ay papasukin sa aking bahay. Ngunit sabihin mo lamang ang salita at mapapagaling mo ang aking lingkod9 sapagkat ako rin ay isang taong nasa ilalim ng kapamahalaan na may nasasakupang mga kawal. Sinasabi ko sa isa, ‘Humayo ka,’ at siya ay humahayo. At sa iba, ‘Pumarito ka,’ at siya ay pumaparito. At sa aking alipin, ‘Gawin mo ito,’ at ito ay kaniyang ginagawa.”10 Namangha si Jesus nang ito ay narinig niya kaya sinabi niya sa kanila na sumusunod, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, hindi ko pa natagpuan sa Israel ang ganito kalaking pananampalataya.11 At sinasabi ko sa inyo na marami ang darating na nagmula sa silangan at kanluran at mauupong kasama ni Abraham, ni Isaac at ni Jacob sa kaharian ng langit.12 Ngunit ang mga anak ng kaharian ay itatapon sa kadilimang nasa labas. Doon ay magkakaroon ng pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin.”13 At sinabi ni Jesus sa senturion, “Humayo ka at mangyari ang ayon sa iyong pananampalataya.” At ang kaniyang lingkod ay gumaling sa oras ding iyon.14 At nang dumating si Jesus sa bahay ni Pedro, nakita niya ang biyenang babae nito na nakaratay at nilalagnat.15 At hinawakan ni Jesus ang kamay ng babae at nawala ang kaniyang lagnat. At siya ay bumangon at naglingkod sa kanila. | |








