8 Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin.9 Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain.10 Nguni't ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong tagaibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan:11 Sapagka't sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; na ano pa't pinagpala ng Panginoon ang araw ng sabbath, at pinakabanal.
Matthew 16
2 Sumagot siya at sinabi sa kanila, “Sa pagsapit ng gabi, sinasabi ninyo, ‘Mabuti ang panahon dahil pumupula ang langit.’3 At sa umaga ay sinasabi ninyo, ‘Ngayong araw, masama ang panahon dahil pumupula at kumukulimlim ang langit.’ Mga mapagpaimbabaw! Marurunong nga kayong kilalanin ang anyo ng langit subalit hindi ninyo kaya ang mga tanda ng mga nakatakdang panahon.