sika Dive
| Secondary Keywords | baboy baboy demonyo lunurin may nagmamay ari pag-aari pinalayas talampas tumakbo |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 8:32-33 Mark 5:11-13 Matthew 8:30-32 |
Luke 832 At doon ay may isang kawan ng maraming baboy na nanginginain sa bundok, at kanilang isinamo sa kaniya na pahintulutan silang pumasok sa mga iyon. At sila ay pinahintulutan niya.33 Kaya nang ang mga demonyo ay lumabas sa lalaki, sila ay pumasok sa mga baboy. At ang kawan ay mabilis na tumakbong palusong sa bangin patungo sa lawa at nalunod. Mark 511 Doon sa libis ng mga bundok ay may malaking kawan ng mga baboy na nanginginain.12 Kaya ipinamanhik sa kaniya ng lahat ng mga demonyo na sinasabi, “Papuntahin mo kami sa mga baboy upang sa kanila kami pumasok.”13 At kaagad silang pinahintulutan ni Jesus. Kaya nang lumabas ang mga karumal-dumal na espiritu mula sa lalaki, sila ay pumasok sa mga baboy. At ang kawan, na halos dalawang libo, ay mabilis na tumakbong palusong sa matarik na bangin patungo sa dagat at sila ay nalunod sa dagat. Matthew 830 Sa hindi kalayuan mula sa kanila ay may kawan ng maraming baboy na nanginginain.31 Kaya nagsumamo sa kaniya ang mga demonyo na nagsasabi, “Kung palalayasin mo kami, pahintulutan mo kaming pumaroon sa kawan ng mga baboy.”32 Kaya sinabi niya sa kanila, “Humayo kayo.” At pagkalabas nila, sila ay pumasok sa kawan ng mga baboy, at narito, ang buong kawan ng mga baboy ay tumakbong palusong sa bangin patungo sa dagat at ang mga ito ay namatay sa tubig. | |








