38 Subalit pagkatapos ng mga bagay na ito, si Jose na mula sa Arimatea na alagad ni Jesus, bagaman palihim dahil sa takot sa mga Judio, ay humiling kay Pilato na makuha ang katawan ni Jesus. Pinahintulutan siya ni Pilato kaya siya ay pumunta at kinuha ang katawan ni Jesus.39 At si Nicodemo, siya na noong una ay pumunta kay Jesus sa gabi, ay pumunta rin na may dalang pinaghalong mira at aloe na halos isandaang libra° ang timbang.
Luke 23
50 Ngunit narito, may isang lalaki na ang pangalan ay Jose, isang tagapayo na kasapi ng Sanhedrin. Siya ay mabuting lalaki at matuwid,51 (siya ay hindi sumang-ayon sa payo at sa gawain nila). Siya ay mula sa Arimatea na isang lungsod ng mga Judio. Siya rin ay naghihintay sa paghahari ng Diyos.52 Nang ang lalaking ito ay pumunta kay Pilato, kaniyang hiniling ang katawan ni Jesus.53 At nang naibaba niya ang katawan ni Jesus, binalot niya ito ng telang lino at inihimlay ito sa isang libingang nakauka sa bato na hindi pa napaglilibingan ng sinuman.
Mark 15
42 Nang sumapit na ang gabi, yamang noon ay Araw ng Paghahanda, ang araw bago ang Sabat,43 dumating si Jose na mula sa Arimatea, na isang marangal na tagapayo at naghihintay rin sa paghahari ng Diyos. Siya ay naglakas‑loob na pumunta kay Pilato upang hilingin ang katawan ni Jesus.44 Ngunit nagtaka si Pilato na namatay na pala si Jesus, kaya pagkatawag niya sa senturion, itinanong niya kung matagal na siyang namatay.45 Nang nabatid niya ito sa senturion, ibinigay niya ang katawan kay Jose.46 Pagkatapos niyang bumili ng telang lino, ibinaba niya si Jesus at siya ay kaniyang binalot ng telang lino at inilagay sa libingan na iniuka mula sa bato, at iginulong niya ang bato sa bukana ng libingan.
Matthew 27
57 At nang sumapit ang takipsilim, dumating ang isang mayamang lalaki mula sa Arimatea na nagngangalang Jose, siya rin mismo ay naging alagad ni Jesus.58 Siya ay pumunta kay Pilato at hiniling niya ang katawan ni Jesus. Kaya iniutos ni Pilato na ibigay ang katawan ni Jesus.59 At pagkakuha ni Jose sa katawan ni Jesus, binalot niya ito ng malinis na telang lino.