Talitha
| Secondary Keywords | alagad iha itaas Jeesus Jeesus muling mabuhay patay Tyttö tyttö |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Mark 5:22-24 Mark 5:35-42 |
Mark 522 At narito, lumapit ang isa sa mga pinuno ng sinagoga na ang pangalan ay Jairo at pagkakita niya kay Jesus, nagpatirapa siya sa kaniyang paanan.23 At siya ay namanhik nang lubos na nagsasabi, “Nag-aagaw buhay ang anak kong dalagita. Sumama ka at ipatong mo ang inyong mga kamay sa kaniya upang siya ay mapagaling at siya ay mabuhay.”24 Kaya sumama si Jesus sa kaniya at sumunod sa kaniya ang lubhang napakaraming tao at nagsiksikan sila sa kaniya. Mark 535 Habang nagsasalita si Jesus, may mga taong dumating mula sa bahay ng pinuno ng sinagoga na sinasabi, “Ang anak mong babae ay namatay na. Bakit inaabala mo pa ang Guro?”36 Ngunit nang narinig ni Jesus ang salitang ito, kaagad niyang sinabi sa pinuno ng sinagoga, “Huwag kang matakot, sumampalataya ka lang.”37 At hindi niya pinayagang sumunod sa kaniya ang sinuman maliban kina Pedro, Santiago at Juan na kapatid ni Santiago.38 At siya ay dumating sa bahay ng pinuno ng sinagoga at nakita niya ang kaguluhan at ang mga taong tumatangis at labis na nananaghoy.39 At nang nakapasok siya, sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo nagkakagulo at tumatangis? Ang bata ay hindi patay kundi natutulog.”40 At si Jesus ay kanilang pinagtawanan na may pangungutya. Ngunit nang napalabas na niya ang lahat, isinama niya ang ama at ina ng bata at ang mga kasama niya at siya ay pumasok kung saan nakahiga ang bata.41 Habang hawak niya ang kamay ng bata, sinabi sa kaniya, “Talitha kumi,” na ang kahulugan ay, “Dalagita, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka.”42 At bumangon kaagad ang dalagita. Siya ay labindalawang taong gulang na. Lubhang namagha and mga tao. | |








