9 At ang pangatlong anghel ay sumunod sa kanila na sa pamamagitan ng malakas na tinig ay sinasabi, “Kung ang sinuman ay sumasamba sa mabangis na hayop at sa kaniyang larawan at tinatanggap ang tatak sa kaniyang noo o sa kaniyang kamay,10 siya rin ay iinom mismo mula sa alak ng poot ng Diyos na ibinuhos na walang halo sa saro ng kaniyang poot, at siya ay pahihirapan sa pamamagitan ng apoy at ng asupre sa harapan ng mga banal na anghel at sa harapan ng Kordero.