14 Ngunit pagkatayo ni Pedro kasama ang labing-isa, nilakasan niya ang kaniyang tinig at nagsalita siya sa kanila, “Mga lalaking taga-Judea at kayong lahat na naninirahan sa Jerusalem, dapat alamin ninyo ito at makinig kayo sa aking mga sasabihin15 sapagkat sila ay hindi mga lasing katulad ng inaakala ninyo yamang ikatlo pa lamang ang oras ng araw.16 Subalit ito ang siyang ipinahayag ng propetang si Joel,17 ‘At mangyayari sa mga huling araw, sinasabi ng Diyos, ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao. At ang inyong mga anak na lalaki at mga anak na babae ay maghahayag, at ang inyong mga kabataang lalaki ay makakakita ng mga pangitain, at ang inyong matatandang lalaki ay mananaginip ng mga panaginip.