23 At tanggihan mo ang mga walang kabuluhan at mga hangal na mga pagtatalo dahil nalaman mo na ang mga ito ay nagdudulot ng mga pag-aaway-away.24 At ang alipin ng Panginoon ay hindi dapat na nakikipag-away, sa halip ay maging mahinahon sa lahat ng mga tao, handang magturo at mapagbata sa masama,
Ecclesiastes 7
9 Be not quick in your spirit to become angry, for anger lodges in the bosom of fools.
Genesis 4
4 At nagdala rin naman si Abel ng mga panganay ng kaniyang kawan at ng mga taba ng mga yaon. At nilingap ng Panginoon si Abel at ang kaniyang handog:5 Datapuwa't hindi nilingap si Cain at ang kaniyang handog. At naginit na mainam si Cain, at namanglaw ang kaniyang mukha.6 At sinabi ng Panginoon kay Cain, Bakit ka naginit? at bakit namanglaw ang iyong mukha?7 Kung ikaw ay gumawa ng mabuti, di ba ikaw mamarapatin? at kung hindi ka gumawa ng mabuti, ay nahahandusay ang kasalanan sa pintuan: at sa iyo'y pahihinuhod ang kaniyang nasa, at ikaw ang papanginoonin niya.8 At yao'y sinabi ni Cain sa kaniyang kapatid na kay Abel. At nangyari, nang sila'y nasa parang ay nagtindig si Cain laban kay Abel na kaniyang kapatid, at siya'y kaniyang pinatay.9 At sinabi ng Panginoon kay Cain, Saan naroon si Abel na iyong kapatid? At sinabi niya, Aywan ko: ako ba'y tagapagbantay sa aking kapatid?
Matthew 5
22 Subalit sinasabi ko sa inyo na ang bawat isang napopoot sa kaniyang kapatid nang walang dahilan ay mananagot sa paghuhukom. At kapag ang sinuman ay magsabi sa kaniyang kapatid, ‘Raca!’ siya ay mananagot sa Sanhedrin, at kapag ang sinuman ay magsasabi, ‘Hangal ka!’ Siya ay malalagay sa panganib sa apoy ng impiyerno.23 Kaya kapag ikaw ay maghahandog ng iyong kaloob sa dambana at doon ay maalala mo na ang iyong kapatid ay may anumang laban sa iyo,24 iwanan mo ang iyong kaloob doon sa harap ng dambana, unahin mong pumunta sa iyong kapatid upang makipagkasundo at pagkatapos ay bumalik ka at ihandog ang iyong kaloob.
Proverbs 15
18 Ang mainiting tao ay humihila ng pagtatalo: nguni't siyang makupad sa galit ay pumapayapa ng kaalitan.
Proverbs 20
3 Karangalan sa tao ang magingat sa pakikipagkaalit: nguni't bawa't mangmang ay magiging palaaway.
Proverbs 29
22 Ang taong magagalitin ay humihila ng kaalitan, at ang mainiting tao ay nananagana sa pagsalangsang.
Psalm 51
5 Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan; at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina,