6 Nang sila nga ay nagtipun-tipon, sila ay nagtanong sa kaniya na sinasabi, “Panginoon, ipinapanumbalik mo ba ang paghahari sa Israel sa oras na ito?”7 Sinabi niya sa kanila, “Hindi para sa inyo na malaman ang mga oras o ang mga panahon na inilagay ng Ama sa sarili niyang kapamahalaan.8 Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan kapag dumating na sa inyo ang Banal na Espiritu at kayo ay magiging aking mga tagapagpatotoo sa Jerusalem, sa buong Judea, sa Samaria at sa pinakamalayong bahagi ng daigdig.”9 At pagsabi niya ng mga bagay na ito, habang siya ay pinagmamasdan nila, siya ay dinala paitaas at ikinubli siya ng ulap mula sa kanilang paningin.10 At habang sila ay nakatitig sa langit, sa kaniyang pagpaitaas, narito, dalawang lalaki na may puting kasuotan ang tumayo sa tabi nila.11 At sila din ay nagsabi, “Mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo nakatayong nakatitig sa langit? Itong si Jesus na dinala sa langit mula sa inyo ay babalik sa paraang katulad sa nakita ninyong pagpunta niya sa langit.”