16 At tiyak ang kapahayagan ng dakilang hiwaga ng pagiging makadiyos: Ang Diyos ay nahayag sa laman, inihayag sa pamamagitan ng Espiritu na siya ay matuwid, nakita ng mga anghel, ipinangaral sa mga Gentil, sinampalatayanan sa sanlibutan at tinanggap sa kaluwalhatian.
Acts 1
11 At sila din ay nagsabi, “Mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo nakatayong nakatitig sa langit? Itong si Jesus na dinala sa langit mula sa inyo ay babalik sa paraang katulad sa nakita ninyong pagpunta niya sa langit.”
Acts 1
2 hanggang sa araw na siya ay dinala paitaas, pagkatapos niyang ibinigay ang mga utos sa pamamagitan ng Banal na Espiritu sa mga apostol na kaniyang pinili.
Acts 1
9 At pagsabi niya ng mga bagay na ito, habang siya ay pinagmamasdan nila, siya ay dinala paitaas at ikinubli siya ng ulap mula sa kanilang paningin.
Luke 24
51 At nangyari na habang sila ay pinagpapala niya, siya ay humiwalay sa kanila at siya ay dinalang paitaas sa langit.
Mark 16
19 Kaya nga, pagkatapos magsalita ang Panginoon sa kanila, siya ay dinalang paitaas sa langit at umupo sa bahaging kanan ng Diyos.