16 At nang si Jesus ay nabawtismuhan, kaagad siyang umahon mula sa tubig, at narito, nabuksan ang kalangitan sa kaniya at nakita ni Juan ang Espiritu ng Diyos na bumababang katulad ng isang kalapati at dumadapo kay Jesus.17 At narito, isang tinig mula sa kalangitan ang nagsasabi, “Ito ang pinakamamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan.”