9 At nangyari sa mga araw na iyon na si Jesus ay dumating mula sa Nazaret ng Galilea at binawtismuhan siya ni Juan sa ilog ng Jordan.10 At nang umaahon si Jesus mula sa tubig ay kaagad niyang nakita na nabuksan ang kalangitan at ang Espiritu na katulad ng kalapati ay bumababa sa kaniya.11 May tinig na nagmula sa langit na nagsasabi, “Ikaw ang pinakamamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan.”