4 Si Juan na tagapagbawtismo ay dumating sa ilang upang ipangaral ang bawtismo ng pagsisisi dahil sa kapatawaran ng mga kasalanan.5 At pumunta sa kaniya ang lahat ng mga nasa lalawigan ng Judea at lahat ng mga taga-Jerusalem. At silang lahat ay nagpabawtismo sa kaniya sa ilog Jordan, na ipinahahayag ang kanilang mga kasalanan.