Beatitudes
| Avainsanat | Charles zingaro Ryhmäryhmä |
|---|---|
| Secondary Keywords | alagad ang mga kuwento sa Bibliya Ihmiset ihmiset Jeesus Jeesus maraming tao opetuksen opettamista pagpapakinig pangangaral Pettymyksiä sakyan Sermon |
| Mga Banal na Kasulatan | Matthew 5 |
Matthew 51 Nang nakita ni Jesus ang mga napakarami, siya ay umahon sa bundok at nang siya ay umupo, lumapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad.2 At ibinuka niya ang kaniyang bibig at sila ay tinuruan niya na sinasabi,3 “Pinagpala ang mga dukha sa espiritu sapagkat sa kanila ang kaharian ng langit.4 Pinagpala ang mga nagdadalamhati sapagkat sila ay aaliwin.5 Pinagpala ang mga mapagpakumbaba sapagkat mamanahin nila ang lupa.6 Pinagpala ang mga nagugutom at mga nauuhaw sa katuwiran sapagkat sila ay bubusugin.7 Pinagpala ang mga mahabagin sapagkat sila ay kahahabagan.8 Pinagpala ang mga may pusong dalisay sapagkat makikita nila ang Diyos.9 Pinagpala ang mga mapagpayapa sapagkat sila ay tatawaging mga anak ng Diyos.10 Pinagpala sila na mga pinagmamalupitan dahil sa katuwiran sapagkat sa kanila ang paghahari ng langit.11 Pinagpala kayo kapag kayo ay hamakin, pagmamalupitan at pagwiwikaan nila ng lahat ng uri ng masamang pananalita na mga kasinungalingan laban sa inyo dahil sa akin.12 Magalak kayo at magsaya nang lubos sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa kalangitan dahil sa gayunding paraan ay pinagmalupitan nila ang mga propetang nauna sa inyo.13 “Kayo ang asin ng lupa. Ngunit kapag ang asin ay mawalan ng alat, papaano ito mapapaalat? Wala na nga itong kabuluhan kundi itapon sa labas at tapakan ng mga tao.14 “Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lungsod na nakatayo sa ibabaw ng isang burol ay hindi makakayang itago.15 Ang mga tao ay hindi nagsisindi ng ilawan at inilalagay ito sa ilalim ng takalan°, kundi sa lalagyan ng ilawan at ito ay nagliliwanag sa kanilang lahat na nasa bahay.16 Pagliwanagin ninyo sa ganitong paraan ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at luluwalhatiin nila ang inyong Ama na nasa langit.17 “Huwag ninyong isipin na ako ay pumarito upang sirain ang Kautusan o ang mga Propeta, ako ay pumarito hindi upang sirain kundi upang tuparin.18 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, hanggang sa ang langit at ang lupa ay lilipas, ang isang tuldok o ang isang kudlit ay hinding-hindi lilipas mula sa Kautusan hanggang sa ang lahat ay maganap.19 Kaya kapag ang sinuman ay lalabag sa isa sa pinakamaliit na mga utos na ito at magtuturo ng gayon sa mga tao, siya ay tatawaging pinakamababa sa kaharian ng langit. Ngunit kapag ang sinuman ay gaganap at magtuturo nito, siya ay tatawaging dakila sa kaharian ng langit.20 Sapagkat sinasabi ko sa inyo na kapag ang inyong katuwiran ay hindi hihigit sa katuwiran ng mga eskriba at ng mga Fariseo, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit.21 “Narinig ninyo na ito ay sinabi sa kanila noong unang panahon, ‘Huwag kang papatay. Ngunit ang sinumang makapatay ay mananagot sa paghuhukom.’ Exo 20:13; Deu 5:1722 Subalit sinasabi ko sa inyo na ang bawat isang napopoot sa kaniyang kapatid nang walang dahilan ay mananagot sa paghuhukom. At kapag ang sinuman ay magsabi sa kaniyang kapatid, ‘Raca!’ siya ay mananagot sa Sanhedrin, at kapag ang sinuman ay magsasabi, ‘Hangal ka!’ Siya ay malalagay sa panganib sa apoy ng impiyerno.23 Kaya kapag ikaw ay maghahandog ng iyong kaloob sa dambana at doon ay maalala mo na ang iyong kapatid ay may anumang laban sa iyo,24 iwanan mo ang iyong kaloob doon sa harap ng dambana, unahin mong pumunta sa iyong kapatid upang makipagkasundo at pagkatapos ay bumalik ka at ihandog ang iyong kaloob.25 Makipagkasundo ka kaagad sa nagsasakdal sa iyo habang ikaw ay kasama niya sa daan. Kung hindi, ikaw ay ibibigay ng nagsasakdal sa iyo sa hukom at ikaw ay ibibigay ng hukom sa kawal at ikaw ay ipapasok sa bilangguan.26 Katotohanang sinasabi ko sa iyo, hinding-hindi ka makakalabas doon hanggang sa hindi mo mabayaran ang huling sentimo°.27 “Narinig ninyo na ito ay sinabi sa kanila noong unang panahon, ‘Huwag kang mangangalunya.’ Exo 20:14; Deu 5:1828 Ngunit sinasabi ko sa inyo na ang sinumang tumitingin sa babae na nagnanasa sa kaniya, sa puso niya siya ay nagkasala na ng pangangalunya sa kaniya.29 At kung ang iyong kanang mata ay nagpapatisod sa iyo, dukutin mo ito at itapon sapagkat makakabuti sa iyo na mawala ang isa sa iyong mga bahagi at hindi ang iyong buong katawan ang maitapon sa impiyerno.30 At kung ang iyong kanang kamay ay nagpapatisod sa iyo, putulin mo ito at itapon mula sa iyo sapagkat makakabuti sa iyo na mawala ang isa sa iyong mga bahagi at hindi ang iyong buong katawan ang maitapon sa impiyerno.31 “At ito ay sinabi na, ‘Sinuman ang magpaalis sa kaniyang asawang babae, siya ay magbigay ng kasulatan ng paghihiwalay sa kaniya.’ Deu 24:132 Ngunit sinasabi ko sa inyo na ang sinumang magpaalis sa kaniyang asawang babae, maliban sa usapin ng pakikiapid, ay nagiging sanhi ng kaniyang pangangalunya. At kapag ang sinuman ay magpakasal sa babaing pinaalis na ay nagkakasala ng pangangalunya.33 “Muli, narinig ninyo na ito ay sinabi noong unang panahon, ‘Huwag kang susumpa nang may kasinungalingan, kundi tutuparin mo ang mga sinumpaan mo sa Panginoon.’ Lev 19:12; Bil 30:2; Deu 23:21, 2334 Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag kang manumpa kailanman, ni sa pamamagitan ng langit sapagkat ito ang trono ng Diyos,35 ni sa pamamagitan ng lupa sapagkat ito ang tuntungan ng kaniyang mga paa, ni sa pamamagitan ng Jerusalem sapagkat ito ang lungsod ng dakilang Hari,36 ni huwag kang sumumpa sa pamamagitan ng iyong ulo sapagkat hindi mo kayang gawing maputi o maitim ang isang buhok.37 Subalit hayaan mong ang inyong pananalita ay dapat maging ‘Oo’ kung ‘oo,’ at ‘Hindi’ kung ‘hindi,’ ngunit ang higit pa rito ay mula sa masama.38 “Narinig ninyo na ito ay sinabi, ‘Mata sa mata at ngipin sa ngipin.’ Exo 21:24; Lev 24:20; Deu 19:2139 Ngunit sinasabi ko sa inyo na huwag kayong lumaban sa masamang tao. Subalit ang sinumang sasampal sa iyong kanang pisngi iharap mo rin sa kaniya ang kabila.40 At ang sinumang nagnanais na magsakdal sa iyo at kukuha ng iyong tunika, hayaan mong kunin din niya ang iyong balabal.41 At ang sinuman pipilit sa iyo na magdala ng daladalahin ng isang milya°, sumama ka sa kaniya sa dalawa.42 Magbigay ka sa kaniya na humihingi sa iyo at siya na nagnanais na humiram sa iyo ay huwag mong tatalikuran.43 “Narinig ninyo na ito ay sinabi, ‘Iibigin mo ang iyong kapwa at kamumuhian mo ang iyong kaaway.’ Lev 19:1844 Ngunit sinasabi ko sa inyo na ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, sabihan ninyo ng mabuti sila na nag-aalimura sa inyo, gawan ninyo ng mabuti ang mga namumuhi sa inyo, manalangin kayo para sa kapakanan ng mga umaalipusta sa inyo at ng mga nagmamalupit sa inyo45 upang kayo ay maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit sapagkat siya ang nagpapasikat ng kaniyang araw sa mga masama at sa mga mabuti, at nagpapaulan sa mga matuwid at sa mga hindi matuwid.46 Dahil kapag iibigin ninyo ang mga umiibig sa inyo, anong gantimpala ang nakakamtan ninyo? Hindi ba ganiyan din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis?47 At kapag ang inyong mga kapatid lamang ang inyong babatiin, ano ang ginagawa ninyong higit? Hindi ba ganiyan din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis?48 Kaya kayo ay magpakasakdal kung paanong ang inyong Ama na nasa langit ay sakdal. | |








