Raamattu ja arkeologia
| Secondary Keywords | arkeolohiya banal biblia Henkinen kasaysayan kasulatan katotohanan mga aklat pahimakas propesiya propeta sinauna |
|---|---|
| Tertiary Keywords | ebanghelyo |
| Mga Banal na Kasulatan | 1 John 21 Munti kong mga anak, isinusulat ko ang mga bagay na ito sa inyo upang hindi kayo magkasala, ngunit kapag nagkasala ang sinuman, mayroon tayong Tagapagtanggol sa Ama, si Jesu-Cristo, ang matuwid. 2 Siya ang kasiya-siyang handog para sa ating mga kasalanan, at hindi lamang patungkol sa ating mga kasalanan kundi patungkol din sa mga kasalanan ng buong sangkatauhan. 3 Sa pamamagitan nito, nalalaman natin na siya ay kilala na natin kung tinutupad natin ang kaniyang mga utos. 4 Ang sinumang nagsasabi, “Kilala ko na siya,” ngunit hindi tinutupad ang kaniyang mga utos ay sinungaling at wala sa kaniya ang katotohanan. 5 Ngunit kung ang sinuman ay tumutupad sa kaniyang salita, totoong nagiging ganap na sa kaniya ang pag-ibig ng Diyos at sa pamamagitan nito, nalalaman natin na tayo ay nasa kaniya. 6 Ang sinumang nagsasabing siya ay nananatili sa kaniya ay dapat ding lumakad kung paanong si Jesus ay naglakad. 7 Mga kapatid, hindi ako sumusulat ng bagong utos sa inyo kundi ang lumang utos na inyong tinataglay buhat sa simula. Ang lumang utos ay ang salita na inyong narinig buhat sa simula. 8 Muli, isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo, ito ay totoo sa inyo at sa kaniya sapagkat ang kadiliman ay napapawi at ngayon ang tunay na liwanag ay sumisikat. 9 Ang sinumang nagsasabi na siya ay nasa liwanag ngunit namumuhi sa kaniyang kapatid ay nasa kadiliman pa hanggang sa ngayon. 10 Ang sinumang umiibig sa kaniyang kapatid ay nananatili sa liwanag at sa kaniya ay walang katitisuran. 11 Ngunit ang sinumang napopoot sa kaniyang kapatid ay nasa kadiliman. Siya ay lumalakad sa kadiliman at hindi pa niya nalalaman kung saan siya tumutungo sapagkat ang kadilimang iyon ang bumulag sa kaniyang mga mata. 12 Munti kong mga anak, sumusulat ako sa inyo sapagkat ang inyong mga kasalanan ay pinatawad na alang-alang sa kaniyang pangalan. 13 Mga ama, sumusulat ako sa inyo sapagkat kilala na ninyo siya na buhat sa simula. Mga kabataang lalaki, sumusulat ako sa inyo sapagkat siya na masama ay napagtagumpayan na ninyo. Munti kong mga anak, sumusulat ako sa inyo sapagkat kilala na ninyo ang Ama. 14 Mga ama, sumulat ako sa inyo sapagkat kilala na ninyo siya na buhat sa simula. Mga kabataang lalaki, sumulat ako sa inyo sapagkat kayo ay malakas at ang salita ng Diyos ay nananatili sa inyo at napagtagumpayan na ninyo ang masama. 15 Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan, ni ang mga bagay na nasa sanlibutan. Kung ang sinuman ay umiibig sa sanlibutan, ang pag-ibig ng Ama ay wala sa kaniya 16 sapagkat ang lahat ng nasa sanlibutan, ang masamang-nasa ng laman, ang masamang-nasa ng mga mata at ang kapalaluan sa buhay ay hindi mula sa Ama kundi mula sa sanlibutan. 17 Lumilipas ang sanlibutan at ang masamang-nasa nito ngunit ang sinumang gumagawa ng kalooban ng Diyos ay nananatili magpakailanman. 18 Munting mga anak, ito na ang huling oras. Kagaya ng inyong narinig, dumarating ang anticristo at kahit ngayon ay marami nang naging mga anticristo kaya nalalaman natin na ito na ang huling oras. 19 Humiwalay sila sa atin sapagkat hindi sila kabilang sa atin, sapagkat kung talagang kabilang sila sa atin, nanatili sana silang kasama natin. Ngunit humiwalay sila sa atin upang mahayag na silang lahat ay hindi kabilang sa atin. 20 Ngunit kayo ay nagtataglay ng pagpahid ng langis mula sa kaniya na Banal at alam na ninyo ang lahat ng mga bagay. 21 Sumulat ako sa inyo hindi dahil sa ang katotohanan ay hindi ninyo alam, kundi dahil sa alam na ninyo ito at ang bawat kasinungalingan ay hindi nagmumula sa katotohanan. 22 Sino ang sinungaling? Ang sinumang tumatanggi na si Jesus ang Cristo. Ang sinumang tumatanggi sa Ama at sa Anak, siya ay anticristo. 23 Ang bawat tumatanggi sa Anak ay wala sa kaniya ang Ama, ngunit siya na ipinapahayag ang Anak ay nasa kaniya rin ang Ama. 24 Kaya nga, panatilihin ninyo sa inyong mga sarili yaong narinig ninyo buhat sa simula. Kung mananatili sa inyo yaong narinig ninyo buhat sa simula, kayo rin ay mananatili sa Anak at sa Ama. 25 At ito ang pangako na ipinangako niya sa atin, ang buhay na walang hanggan. 26 Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo patungkol sa kanila na naglilihis ng landas sa inyo. 27 At ang pagpahid na inyong tinanggap mula sa kaniya ay nananatili sa inyo at hindi na ninyo kailangan na mayroong magturo sa inyo. Subalit ang gayunding pagpahid ang siyang nagtuturo sa inyo patungkol sa lahat ng mga ito. Siya ay totoo at hindi kasinungalingan, at kung paanong kayo ay kaniyang tinuruan, kayo ay mananatili sa kaniya. 28 At ngayon, munting mga anak, manatili kayo sa kaniya upang kapag siya ay mahayag, magkakaroon tayo ng kalakasan ng loob at hindi tayo mahihiya sa harapan niya sa kaniyang pagparito. 29 Kung alam na ninyo na siya ay matuwid, nalalaman ninyo na ang bawat isang gumagawa ng katuwiran ay ipinanganak na mula sa Diyos. Amos 37 Tunay na ang Panginoong Dios ay walang gagawin, kundi kaniyang ihahayag ang kaniyang lihim sa kaniyang mga lingkod na mga propeta. John 11 Sa simula ay naroroon na ang Salita, at ang Salita ay sumasa Diyos at ang Salita ay Diyos. John 832 Malalaman ninyo ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” Luke 11 Kagalang-galang na Teofilo, yamang marami ang nagsagawa upang isaayos ang salaysay patungkol sa mga bagay na lubos na pinaniwalaan sa atin 2 ayon sa pagbigay sa atin ng mga saksing nakakita at ng mga lingkod ng salita buhat sa simula, 3 minabuti ko rin na isulat sa iyo nang ganap ayon sa pagkasunud-sunod ang lahat ng mga bagay na maingat kong sinubaybayan mula pa nang una, 4 upang malaman mo ang katiyakan ng mga salitang itinuro sa iyo. Revelation 215 At siya na nakaupo sa trono ay nagsabi, “Narito, ginawa kong bago ang lahat ng mga bagay.” At sinabi niya sa akin, “Isulat mo, sapagkat ang mga salitang ito ay totoo at matapat.” |