14 At lumapit ang mga bulag at mga pilay kay Jesus sa templo at sila ay pinagaling niya.15 Ngunit nang nakita ng mga punong saserdote at ng mga eskriba ang mga kamangha-manghang bagay na ginawa niya at ang mga batang sumisigaw sa loob ng templo, na sinasabi, “Hosana sa Anak ni David!” sila ay lubhang nagalit.