Vuosisata
| Secondary Keywords | Jeesus Jeesus lingkod may sakit pahimakas senturion Uusi uusi uusi Vuosisata |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 7:1-10 Matthew 8:5-13 |
Luke 71 Nang natapos na ni Jesus ang lahat ng kaniyang mga pagsasalita sa pandinig ng mga tao, siya ay pumasok sa Capernaum.2 Mayroong isang senturion na may aliping napamahal sa kaniya, na maysakit at malapit nang mamatay.3 At nang narinig ng senturion ang patungkol kay Jesus, isinugo niya ang matatanda ng mga Judio upang hilingin kay Jesus na pumunta at mapagaling ang kaniyang alipin.4 Pagpunta nila kay Jesus, masikap silang nagsusumamo sa kaniya at sinasabi na siya na gagawan niya nito ay karapat-dapat5 “sapagkat iniibig niya ang ating bansa at itinayo niya ang sinagoga para sa amin.”6 Kaya si Jesus ay sumama sa kanila. Ngunit nang sila ay malapit na sa bahay, ang senturion ay nagsugo ng mga kaibigan kay Jesus na sinasabi, “Panginoon, huwag ka nang mag-abala sapagkat ako ay hindi karapat-dapat na ikaw ay papasukin sa aking bahay.7 Kaya kahit ang aking sarili ay hindi ko itinuring na karapat-dapat pumunta sa iyo. Ngunit sabihin mo lang sa salita at ang aking lingkod ay gagaling,8 sapagkat ako rin ay isang taong nasa ilalim ng kapamahalaan na may nasasakupang mga kawal. Sinasabi ko sa isa, ‘Humayo ka,’ at siya ay humahayo. At sa iba, ‘Pumarito ka,’ at siya ay pumaparito. At sa aking alipin, ‘Gawin mo ito,’ at ito ay kaniyang ginagawa.”9 At nang narinig ni Jesus ang mga bagay na ito, siya ay namangha. At paglingon niya sa napakaraming taong sumusunod sa kaniya, sinabi niya, “Sinasabi ko sa inyo, wala akong natagpuang ganito kalaking pananampalataya kahit sa mga taga-Israel.”10 At nang nakabalik sa bahay ang mga isinugo, ang aliping maysakit ay natagpuan nilang magaling na. Matthew 85 Nang pumasok si Jesus sa Capernaum, isang senturion ang lumapit sa kaniya at nagsusumamo sa kaniya6 na nagsasabi, “Panginoon, nakaratay sa bahay ang aking lingkod na lumpo at lubhang nahihirapan.”7 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ay paroroon at pagagalingin siya.”8 Ngunit ang senturion ay sumagot at sinabi, “Panginoon, ako ay hindi karapat-dapat na ikaw ay papasukin sa aking bahay. Ngunit sabihin mo lamang ang salita at mapapagaling mo ang aking lingkod9 sapagkat ako rin ay isang taong nasa ilalim ng kapamahalaan na may nasasakupang mga kawal. Sinasabi ko sa isa, ‘Humayo ka,’ at siya ay humahayo. At sa iba, ‘Pumarito ka,’ at siya ay pumaparito. At sa aking alipin, ‘Gawin mo ito,’ at ito ay kaniyang ginagawa.”10 Namangha si Jesus nang ito ay narinig niya kaya sinabi niya sa kanila na sumusunod, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, hindi ko pa natagpuan sa Israel ang ganito kalaking pananampalataya.11 At sinasabi ko sa inyo na marami ang darating na nagmula sa silangan at kanluran at mauupong kasama ni Abraham, ni Isaac at ni Jacob sa kaharian ng langit.12 Ngunit ang mga anak ng kaharian ay itatapon sa kadilimang nasa labas. Doon ay magkakaroon ng pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin.”13 At sinabi ni Jesus sa senturion, “Humayo ka at mangyari ang ayon sa iyong pananampalataya.” At ang kaniyang lingkod ay gumaling sa oras ding iyon. | |








