7 Sa kaniya ay mayroon tayong katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo at kapatawaran ng mga kasalanan ayon sa kayamanan ng kaniyang biyaya,
John 19
17 Lumabas siyang pasan-pasan ang kaniyang krus patungo sa tinatawag na Dako ng Bungo, na ang tawag sa wikang Hebreo ay Golgota,18 sa lugar kung saan siya ay ipinako nila sa krus, kasama niya ang dalawa pa na nasa magkabilang bahagi at si Jesus ang nasa gitna.
John 8
32 Malalaman ninyo ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.”
Luke 23
47 Ngunit nang nakita ng senturion ang nangyari, niluwalhati niya ang Diyos na sinasabi, “Tunay na ang taong ito ay matuwid.”
Mark 15
39 Nang nakita ng senturion na nakatayo sa tapat ni Jesus, na sa ganoong pagsigaw ay nalagutan siya ng hininga, siya ay nagsabi, “Totoong ang taong ito ay ang Anak ng Diyos.”
Matthew 27
54 Ngunit nang nakita ng senturion at sila na mga kasama niyang nagbabantay kay Jesus ang lindol at ang mga nangyari, sila ay labis na natakot, na nagsasabi, “Totoong siya ang Anak ng Diyos.”