15 Ngunit nang nakita ng mga punong saserdote at ng mga eskriba ang mga kamangha-manghang bagay na ginawa niya at ang mga batang sumisigaw sa loob ng templo, na sinasabi, “Hosana sa Anak ni David!” sila ay lubhang nagalit.16 Kaya sinabi nila kay Jesus, “Naririnig mo ba ang sinasabi ng mga ito?” At sinabi ni Jesus sa kanila, “Oo, hindi ba ninyo nabasa, ‘Mula sa bibig ng mga bata at ng mga sanggol na sumususo ay inihanda mo ang papuri’?” Awi 8:2