14 At may isang babae roon na ang pangalan ay Lydia, isang mangangalakal ng telang kulay ube mula sa lungsod ng Tiyatira, na sumasamba sa Diyos, ang nakikinig sa amin. Ang Panginoon ang nagbukas ng kaniyang puso upang pakinggan ang mga bagay na sinasabi ni Pablo.15 At nang siya at ang kaniyang sambahayan ay nabawtismuhan, nagsumamo siya sa amin na sinasabi, “Kung ibinilang na ninyo akong matapat sa Panginoon, tumuloy kayo sa aking bahay at kayo ay manatili roon.” At siya ay nakiusap sa amin.