22 Kayo'y magsitingin sa akin, at kayo'y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin.
Matthew 27
15 Ngunit tuwing kapistahan ay kinaugalian na ng gobernador na magpalaya sa napakaraming tao ng isang bilanggo na ninanais nila.16 At sa panahong iyon ay mayroon silang kilalang bilanggo na tinatawag na Barabas.17 Kaya nang sila ay nagkatipon, sinabi ni Pilato sa kanila, “Sino ang ninanais ninyo na palayain para sa inyo? Si Barabas ba o si Jesus na tinatawag na Cristo?”18 Sapagkat alam niya na dahil sa inggit ay ipinagkanulo nila si Jesus.19 Ngunit habang siya ay nakaupo sa upuan ng hukom, nagsugo para sa kaniya ang kaniyang asawa na nagsasabi, “Huwag mo ng pakialaman pa ang matuwid na iyan sapagkat labis akong nahirapan sa araw na ito sa isang panaginip dahil sa kaniya.”20 Subalit hinikayat ng mga punong saserdote at ng matatanda ang napakaraming tao upang kanilang hilingin si Barabas at si Jesus ay kanilang ipapapatay.21 Sumagot ang gobernador at sinabi sa kanila, “Sino sa dalawa ang ninanais ninyo na aking palalayain para sa inyo?” At sinabi nila, “Si Barabas!”22 Sinabi ni Pilato sa kanila, “Ano ang gagawin ko kay Jesus na tinatawag na Cristo?” Ang lahat ay nagsabi sa kaniya, “Ipako siya sa krus!”23 At sumagot ang gobernador, “Bakit, ano ang ginawa niyang masama?” Ngunit sila ay lalong sumigaw na sinasabi, “Ipako siya sa krus!”24 Subalit nang nakita ni Pilato na wala itong idinudulot na kabutihan at sa halip ay nagsisimula na ang kaguluhan, siya ay kumuha ng tubig at naghugas ng mga kamay sa harap ng napakaraming tao, na sinasabi, “Ako ay walang sala sa dugo ng matuwid na taong ito. Makikita rin ninyo.”25 Kaya ang lahat ng mga tao ay sumagot at nagsabi, “Ang kaniyang dugo ay mapasaamin at sa aming mga anak.”26 Pagkatapos nito ay pinalaya niya si Barabas at pagkahagupit niya kay Jesus, siya ay ibinigay niya upang ipapako siya sa krus.