14 Nang sila ay dumating sa napakaraming tao, isang lalaki ang lumapit na nanikluhod sa kaniya na sinasabi,15 “Panginoon, mahabag ka sa aking anak na lalaki sapagkat siya ay epileptiko at lubha nang nahihirapan. Siya ay madalas na nabubuwal sa apoy at madalas din sa tubig.16 At siya ay dinala ko sa iyong mga alagad ngunit siya ay hindi nila nakayang pagalingin.”17 Sumagot nga si Jesus at sinabi, “O lahing walang pananampalataya at nagpakalihis, hanggang kailan ako mananatiling kasama ninyo at hanggang kailan ako magtitiis sa inyo? Dalhin ninyo siya rito sa akin.”