12 Pinagpala ang taong nagtitiis ng pagsubok sapagkat pagkatapos siyang maging subok, siya ay tatanggap ng putong ng buhay na ipinangako ng Panginoon sa kanila na umiibig sa kaniya.
James 1
13 Huwag sabihin ng sinuman kapag siya ay tinutukso, “Ako ay tinutukso ng Diyos” sapagkat ang Diyos ay hindi matutukso ng masasama at hindi siya nanunukso ng sinuman.14 Ngunit ang bawat tao ay natutukso kapag siya ay nahihila ng sarili niyang pagnanasa at siya ay naaakit nito.
Matthew 26
41 Magbantay kayo at manalangin upang hindi kayo pumasok sa tukso. Ang espiritu nga ay nagnanais ngunit ang laman ay mahina.”
Matthew 6
13 At huwag mo kaming dalhin sa tukso sa halip ay iligtas mo kami mula sa masama sapagkat sa iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kaluwalhatian magpakailanman. Siya nawa.