Ang walang laman na kuwadra
| Secondary Keywords | asno Hämmentynyt Magi matatag Paimen Pasko sabsaban Viisaita walang laman |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Matthew 2:1-14 Matthew 2:13-14 |
Matthew 21 Nang ipinanganak si Jesus sa Bethlehem ng Judea sa kapanahunan ni haring Herodes, narito, may mga lalaking pantas na dumating sa Jerusalem mula sa silangan,2 na nagsasabi, “Saan naroroon ang ipinanganak na Hari ng mga Judio? Sapagkat nakita namin ang kaniyang bituin sa silangan at kami ay pumunta upang siya ay sambahin.”3 Ngunit nang narinig ito ni Haring Herodes, siya ay naligalig at ang buong Jerusalem na kasama niya.4 Kaya nang natipon niya ang lahat ng mga punong saserdote at mga eskriba ng bayan, nagtanong siya sa kanila kung saan isinisilang ang Cristo.5 At sinabi nila sa kaniya, “Sa Bethlehem ng Judea sapagkat ganito ang nasusulat sa pamamagitan ng propeta,6 ‘Ngunit ikaw, Bethlehem, lupain ng Juda, sa anumang paraan ay hindi ikaw ang pinakamaliit sa mga gobernador ng Juda dahil mula sa iyo ay lalabas ang pinuno na siyang mamamahala sa aking bayang Israel.’ ” Mik 5:27 Pagkatapos tawagin nang palihim ni Herodes ang mga pantas na lalaki, buong sikap niyang itinanong sa kanila kung anong oras ang pagpapakita ng bituin.8 At nang sila ay pinapunta niya sa Bethlehem at sinabi niya, “Pumaroon kayo at ipagtanong ninyo nang buong sikap ang patungkol sa bata. At kapag siya ay matagpuan ninyo, balitaan ninyo ako upang ako ay makapunta at sambahin din siya.”9 Pagkarinig nila sa hari, sila ay nagpatuloy sa paglalakbay. Narito, ang bituin na kanilang nakita sa silanganan ay nauna sa kanila hanggang sa sumapit at tumigil ito sa tapat ng kinaroroonan ng bata.10 Nang nakita nila ang bituin, sila ay nagalak nang labis na kagalakan.11 Pagkarating nila sa loob ng bahay, nakita nila ang bata kasama ng kaniyang inang si Maria. Sa kanilang pagpatirapa ay sinamba nila ang bata, at nang binuksan nila ang lalagyan ng kanilang mga kayamanan, sila ay naghandog sa kaniya ng mga kaloob na ginto at kamangyan at mira.12 At dahil nagbabala sa kanila ang Diyos sa pamamagitan ng panaginip na huwag nang bumalik kay Herodes, sila ay umuwi sa kanilang lupain sa ibang daan.13 Nang sila ay nakauwi na, narito, ang anghel ng Panginoon ay nagpakita kay Jose sa isang panaginip na nagsasabi, “Bumangon ka at dalhin mo ang bata at ang kaniyang ina at tumakas ka papuntang Egipto. Manatili ka roon hanggang sa sabihin ko sa iyo sapagkat binabalak na ipahanap ni Herodes ang bata upang siya ay patayin.”14 Kaya pagbangon niya, dinala niya ang bata at ang kaniyang ina at sa gabi ay umalis papuntang Egipto. Matthew 213 Nang sila ay nakauwi na, narito, ang anghel ng Panginoon ay nagpakita kay Jose sa isang panaginip na nagsasabi, “Bumangon ka at dalhin mo ang bata at ang kaniyang ina at tumakas ka papuntang Egipto. Manatili ka roon hanggang sa sabihin ko sa iyo sapagkat binabalak na ipahanap ni Herodes ang bata upang siya ay patayin.”14 Kaya pagbangon niya, dinala niya ang bata at ang kaniyang ina at sa gabi ay umalis papuntang Egipto. | |








