Tyhjä hauta
| Avainsanat | libingan Pasko ng Pagkabuhay walang laman |
|---|---|
| Secondary Keywords | bukas Creitz Golgota Jeesus Jeesus kalbaryo libingan Linggo muling pagkabuhay nakatiklop Steve tela tumatawid umaga |
| Mga Banal na Kasulatan | John 21 Nang ikatlong araw ay nagkaroon ng kasalan sa Cana ng Galilea. Naroroon ang ina ni Jesus. 2 Si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay inanyayahan din sa kasalan. 3 Nang nagkulang ang alak, sinabi ng ina ni Jesus sa kaniya, “Wala na silang alak.” 4 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ginang, ano ang kinalaman nito sa akin at sa iyo? Ang aking oras ay hindi pa dumarating.” 5 Sinabi ng kaniyang ina sa mga tagapaglingkod, “Gawin ninyo ang anumang sasabihin niya sa inyo.” 6 Mayroon doong anim na tapayang bato na nakalagay alinsunod sa pagdadalisay ng mga Judio. Ang bawat isa ay maaaring maglaman ng humigit-kumulang sa dalawa o tatlong metreta°. 7 Sinabi ni Jesus sa mga tagapaglingkod, “Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan.” At kanilang pinuno ang mga tapayan hanggang sa labi nito. 8 At sinabi niya sa kanila, “Sumalok kayo ngayon at dalhin ninyo sa namamahala ng handaan.” Kaya dinala nila ito. 9 At nang natikman ng namamahala ng handaan ang tubig na naging alak, hindi niya alam kung saan ito nanggaling (ngunit alam ng tagapaglingkod na sumalok ng tubig), tinawag ng lalaking namamahala ng kapistahan ang lalaking ikinasal. Luke 241 Sa unang araw ng linggo, maagang-maaga pa, sila at ang ilan pang mga babaing kasama nila ay pumunta sa libingan na dala-dala ang inihanda nilang mga pabango at mga pamahid. 2 Ngunit natagpuan nila ang bato na naigulong na mula sa libingan. 3 At nang sila ay pumasok, hindi nila natagpuan ang katawan ng Panginoong Jesus. 4 At nangyari, na sa kanilang kalituhan patungkol dito, narito, may dalawang lalaking tumayo sa tabi nila na ang mga kasuotan ay nagniningning. 5 At sa kanilang pagkatakot at pagkiling ng kanilang mga mukha sa lupa, sinabi ng mga lalaki sa kanila, “Bakit ninyo hinahanap ang isang nabubuhay sa mga patay? 6 Wala siya rito, ngunit siya ay nagbangon. Alalahanin ninyo kung paano niya sinabi sa inyo nang siya ay nasa Galilea pa, 7 na nagsasabi, ‘Ang Anak ng Tao ay kinakailangang ibigay sa mga kamay ng mga makasalanang tao at ipako sa krus at babangon sa ikatlong araw.’ ” 8 At naalala nila ang kaniyang mga salita. 9 Nang sila ay nakauwi mula sa libingan, isinalaysay nila ang lahat ng mga bagay na ito sa labing-isang alagad at sa iba pa. 10 Si Maria na taga-Magdala, si Joana, si Maria na ina ni Santiago at ang ibang mga babaing kasama nila ang nagsabi ng mga bagay na ito sa mga apostol. 11 At ang kanilang mga salita ay naging parang walang kabuluhan sa kanila at sila ay hindi naniwala sa kanila. 12 Ngunit si Pedro ay tumayo at tumakbo patungo sa libingan at pagkayukod niya ay nakita niya ang mga telang lino na lamang ang nakalatag. At siya ay umuwi na namamangha sa kaniyang sarili sa nangyari. Mark 161 Pagkalipas ng Sabat, si Maria na taga-Magdala at si Maria na ina ni Santiago at si Salome ay bumili ng mabangong mga pamahid upang puntahan at pahiran si Jesus. 2 Maagang-maaga, sa unang araw ng sanlinggo, pumunta sila sa libingan habang papasikat ang araw. 3 Sinabi nila sa isa't isa, “Sino ang magpapagulong ng bato mula sa bukana ng libingan para sa atin?” 4 Nang sila ay tumingin, nakita nila na naigulong na ang bato bagaman ito ay lubhang napakalaki. 5 At nang pumasok sila sa loob ng libingan, nakita nila ang binata na nakaupo sa bahaging kanan na nakasuot ng puting kasuotan, at sila ay lubhang namangha. 6 At sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong mamangha. Hinahanap ninyo si Jesus na taga-Nazaret na ipinako sa krus. Nagbangon siya! Wala siya rito. Narito ang dako kung saan nila siya inilagay. 7 Ngunit humayo kayo at sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad at kay Pedro, na siya ay mauuna sa inyo sa Galilea. Doon ay makikita ninyo siya kagaya ng sinabi niya sa inyo.” 8 Sa kanilang dagliang paglabas, sila ay tumakbo mula sa libingan. Ngunit sila ay nagkaroon ng panginginig at pagtataka kaya wala silang sinabing anuman sa kaninuman dahil sa takot. Matthew 281 At sa pagtatapos ng araw ng Sabat, nang mag-uumaga na sa unang araw ng linggo, si Maria na taga-Magdala at ang isa pang Maria ay pumunta upang tingnan ang puntod. 2 At narito, nagkaroon ng malakas na lindol sapagkat ang isang anghel ng Panginoon ay bumaba mula sa langit at siya ay dumating at iginulong ang bato mula sa pintuan ng libingan at siya ay umupo sa ibabaw nito. 3 Ang kaniyang anyo ay katulad ng kidlat at ang kaniyang damit ay maputi na parang niyebe. 4 At sa takot ng mga nagbabantay, sila ay nanginig at naging parang mga patay. 5 At ang anghel ay sumagot at sinabi sa mga babae, “Huwag kayong matakot sapagkat alam ko na ang hinahanap ninyo ay si Jesus na siyang ipinako sa krus. 6 Wala siya rito sapagkat siya ay binangon ayon sa kaniyang sinabi. Halikayo, tingnan ninyo ang dako kung saan inihimlay ang Panginoon, 7 at magmadali kayong pumunta at sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad na siya ay binangon mula sa mga patay. At narito, siya ay mauuna sa inyo patungo sa Galilea. Siya ay makikita ninyo roon. Narito, sinabi ko na sa inyo.” 8 Kaya sila ay nagmadaling umalis mula sa libingan, na may takot at malaking kagalakan at sila ay tumakbo upang ibalita sa kaniyang mga alagad. 9 At habang sila ay nasa daan upang balitaan ang kaniyang mga alagad, narito, sinalubong sila ni Jesus na sinasabi, “Magalak kayo.” At sila ay lumapit at hinawakan ang kaniyang mga paa at siya ay sinamba nila. 10 Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag kayong matakot. Humayo kayo at ibalita ninyo sa aking mga kapatid upang sila ay makapunta sa Galilea at ako ay makikita nila roon.” Psalm 168 Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko: sapagka't kung siya ay nasa aking kanan, hindi ako makikilos. 9 Kaya't ang aking puso ay masaya, at ang aking kaluwalhatian ay nagagalak: ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay. 10 Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol; ni hindi mo man titiisin ang iyong banal ay makakita ng kabulukan. 11 Iyong ituturo sa akin ang landas ng buhay: nasa iyong harapan ang kapuspusan ng kagalakan; sa iyong kanan ay may mga kasayahan magpakailan man. Psalm 4915 Nguni't tutubusin ng Dios ang aking kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol: sapagka't tatanggapin niya ako. (Selah) |








