1 Nang ikatlong araw ay nagkaroon ng kasalan sa Cana ng Galilea. Naroroon ang ina ni Jesus.2 Si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay inanyayahan din sa kasalan.3 Nang nagkulang ang alak, sinabi ng ina ni Jesus sa kaniya, “Wala na silang alak.”4 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ginang, ano ang kinalaman nito sa akin at sa iyo? Ang aking oras ay hindi pa dumarating.”5 Sinabi ng kaniyang ina sa mga tagapaglingkod, “Gawin ninyo ang anumang sasabihin niya sa inyo.”6 Mayroon doong anim na tapayang bato na nakalagay alinsunod sa pagdadalisay ng mga Judio. Ang bawat isa ay maaaring maglaman ng humigit-kumulang sa dalawa o tatlong metreta°.7 Sinabi ni Jesus sa mga tagapaglingkod, “Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan.” At kanilang pinuno ang mga tapayan hanggang sa labi nito.8 At sinabi niya sa kanila, “Sumalok kayo ngayon at dalhin ninyo sa namamahala ng handaan.” Kaya dinala nila ito.9 At nang natikman ng namamahala ng handaan ang tubig na naging alak, hindi niya alam kung saan ito nanggaling (ngunit alam ng tagapaglingkod na sumalok ng tubig), tinawag ng lalaking namamahala ng kapistahan ang lalaking ikinasal.
Mark 16
1 Pagkalipas ng Sabat, si Maria na taga-Magdala at si Maria na ina ni Santiago at si Salome ay bumili ng mabangong mga pamahid upang puntahan at pahiran si Jesus.2 Maagang-maaga, sa unang araw ng sanlinggo, pumunta sila sa libingan habang papasikat ang araw.3 Sinabi nila sa isa't isa, “Sino ang magpapagulong ng bato mula sa bukana ng libingan para sa atin?”4 Nang sila ay tumingin, nakita nila na naigulong na ang bato bagaman ito ay lubhang napakalaki.5 At nang pumasok sila sa loob ng libingan, nakita nila ang binata na nakaupo sa bahaging kanan na nakasuot ng puting kasuotan, at sila ay lubhang namangha.6 At sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong mamangha. Hinahanap ninyo si Jesus na taga-Nazaret na ipinako sa krus. Nagbangon siya! Wala siya rito. Narito ang dako kung saan nila siya inilagay.7 Ngunit humayo kayo at sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad at kay Pedro, na siya ay mauuna sa inyo sa Galilea. Doon ay makikita ninyo siya kagaya ng sinabi niya sa inyo.”8 Sa kanilang dagliang paglabas, sila ay tumakbo mula sa libingan. Ngunit sila ay nagkaroon ng panginginig at pagtataka kaya wala silang sinabing anuman sa kaninuman dahil sa takot.
Psalm 16
8 Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko: sapagka't kung siya ay nasa aking kanan, hindi ako makikilos.9 Kaya't ang aking puso ay masaya, at ang aking kaluwalhatian ay nagagalak: ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay.10 Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol; ni hindi mo man titiisin ang iyong banal ay makakita ng kabulukan.11 Iyong ituturo sa akin ang landas ng buhay: nasa iyong harapan ang kapuspusan ng kagalakan; sa iyong kanan ay may mga kasayahan magpakailan man.
Psalm 49
15 Nguni't tutubusin ng Dios ang aking kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol: sapagka't tatanggapin niya ako. (Selah)