Fall
| Secondary Keywords | Adan anghel dakila demonyo demonyo durugin gabi Jeesus Jeesus kasalanan labanan mahusay masama Nainen nainen pagkahulog |
|---|---|
| Tertiary Keywords | kalungkutan magbigay ng binhi pagtalunan Toivottavasti toivomme |
| Mga Banal na Kasulatan | Genesis 3:15 Isaiah 14:12-14 Revelation 12:4-9 Romans 5:12-21 |
Genesis 315 At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong. Isaiah 1412 Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa!13 At sinabi mo sa iyong sarili, Ako'y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios; at ako'y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan:14 Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan. Revelation 124 At hinihila ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin ng langit at inihagis ang mga ito sa lupa. At ang dragon ay tumayo sa harapan ng babae na malapit nang manganak upang lamunin nito ang bata kapag siya ay makapanganak.5 At siya ay nagsilang ng isang batang lalaki na siyang mangangalaga sa lahat ng mga bansa sa pamamagitan ng isang pamalong bakal, ngunit ang kaniyang anak ay inagaw patungo sa Diyos at sa kaniyang trono.6 At ang babae ay tumakas patungo sa ilang kung saan ay may inihandang dako ang Diyos para sa kaniya upang siya ay kanilang alagaan doon nang isang libo at dalawang-daan at animnapung araw.7 At nagkaroon ng digmaan sa langit. Si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipaglaban sa dragon, at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipaglaban.8 Ngunit sila ay hindi nagtagumpay, ni walang natagpuang lugar sa langit para sa kanila.9 At itinapon ang malaking dragon, ang sinaunang ahas na siyang tinatawag na diyablo at Satanas. Siya na nandaraya sa buong sanlibutan ang siyang itinapon sa lupa at ang kaniyang mga anghel ay itinapon ding kasama niya. Romans 512 Kaya kung paanong pumasok ang kasalanan sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at sa pamamagitan ng kasalanan ay pumasok ang kamatayan, sa gayunding paraan ay dumating ang kamatayan sa lahat ng mga tao sapagkat ang lahat ay nagkasala.13 Sapagkat bago pa ibinigay ang kautusan, ang kasalanan ay nasa sanlibutan na, ngunit ang kasalanan ay hindi ibinibilang nang wala pa ang kautusan.14 Subalit ang kamatayan ay naghari mula kay Adan hanggang kay Moises at sa kanila na hindi nagkasala katulad ng pagsalangsang ni Adan na siyang larawan niyaong dumarating.15 Ngunit ang kaloob na biyaya ay hindi katulad sa pagsalangsang, sapagkat kung sa pamamagitan ng pagsalangsang ng isa ay namatay ang marami, lalong higit na sumagana ang biyaya ng Diyos at ang kaloob sa pamamagitan ng biyaya ng isang tao na si Jesu-Cristo para sa marami.16 Subalit ang kaloob ay hindi katulad sa isang nagkasala sapagkat ang hatol sa kasalanan ng isa ay nagdulot ng kahatulan. Ngunit sa kabila ng maraming pagsalangsang, ang kaloob na biyaya ay nagbunga ng pagpapawalang-sala.17 Sapagkat kung sa pagsalangsang ng isang tao ay naghari ang kamatayan sa pamamagitan ng isang tao, lalong higit sa kanila na tumanggap ng kasaganaan ng biyaya at ng kaloob ng katuwiran, na maghahari sa buhay sa pamamagitan ng isa, si Jesu-Cristo.18 Kaya nga, kung paanong sa pagsalangsang ng isang tao ay dumating ang kahatulan sa lahat ng mga tao, sa gayunding paraan, sa pamamagitan ng gawa ng katuwiran ng isa ay dumating sa lahat ng mga tao ang pagpapawalang-sala ng buhay.19 Sapagkat kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ay naging makasalanan ang marami, sa gayunding paraan, sa pamamagitan ng pagsunod ng isa ay mapapaging-matuwid ang marami.20 Subalit ang kautusan ay dumating upang dumami ang pagsalangsang, ngunit kung saan dumarami ang kasalanan ay lalong sumagana ang biyaya21 upang kung paanong naghari ang kasalanan patungo sa kamatayan, gayundin ang biyaya ay maghahari sa pamamagitan ng katuwiran patungo sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, ang ating Panginoon. | |








