Ensimmäiset oppilaat
| Secondary Keywords | alagad Jeesus Jeesus pahimakas sundin Tawag una Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Juan 1:35-51 |
John 135 Kinabukasan, si Juan ay muling tumayo roon kasama ang dalawa sa kaniyang mga alagad.36 Pagtingin niya kay Jesus na naglalakad, sinabi niya, “Narito ang Kordero ng Diyos!”37 Narinig ng dalawang alagad nang siya ay nagsalita kaya sumunod sila kay Jesus.38 Paglingon ni Jesus at nakita niyang sumusunod sila, sinabi niya sa kanila, “Ano ang inyong hinahanap?” Sinabi nila sa kaniya, “Rabbi,” (ang ibig sabihin ay Guro) “saan ka nakatira?”39 Sinabi niya sa kanila, “Halikayo at inyong tingnan.” Sila ay pumaroon at nakita nila ang kaniyang tinitirahan. Nanatili silang kasama niya nang araw na iyon, noon ay mag-ikasampu na ang oras.40 Ang isa sa dalawang nakarinig kay Juan at sumunod kay Jesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro.41 Una niyang hinanap ang kaniyang sariling kapatid na si Simon at sinabi sa kaniya, “Natagpuan namin ang Mesiyas” (na ang kahulugan ay Cristo).42 Isinama ni Andres si Simon kay Jesus. Tiningnan siya ni Jesus at sinabi, “Ikaw ay si Simon na anak ni Jonas, tatawagin kang Cefas” (na ang ibig sabihin ay bato).43 Kinabukasan ay ninais ni Jesus na pumunta sa Galilea. Natagpuan niya si Felipe at sinabi sa kaniya, “Sumunod ka sa akin.”44 Si Felipe ay taga-Betsaida na lungsod nina Andres at Pedro.45 Natagpuan ni Felipe si Natanael at sinabi sa kaniya, “Siya na isinulat ni Moises sa Kautusan at ng mga Propeta ay nasumpungan namin. Siya ay si Jesus na taga-Nazaret, ang anak ni Jose.”46 At sinabi ni Natanael sa kaniya, “May mabuti bang bagay na magmumula sa Nazaret?” Sinabi sa kaniya ni Felipe, “Halika at tingnan mo.”47 Nakita ni Jesus si Natanael na papalapit sa kaniya, sinabi niya ang patungkol kay Natanael, “Narito, ang totoong taga-Israel na sa kaniya ay walang pandaraya.”48 Sinabi sa kaniya ni Natanael, “Papaano mo ako nakilala?” Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Bago ka pa tawagin ni Felipe ay nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos.”49 Sumagot si Natanael at sinabi sa kaniya, “Rabbi, ikaw ang Anak ng Diyos! Ikaw ang Hari ng Israel!”50 Sumagot si Jesus sa kaniya at sinabi, “Sumasampalataya ka ba dahil sinabi kong ‘Nakita kita sa ilalim ng puno ng igos’? Makikita mo ang mga bagay na higit na dakila kaysa sa mga ito.”51 At sinabi ni Jesus sa kaniya, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, mula ngayon ay makikita ninyong bukas ang langit. Makikita ninyo ang mga anghel ng Diyos ay pumapaitaas at bumababa sa Anak ng Tao.” | |








